Tuesday, June 30

Recession Days


Its seems I have been experiencing a somewhat localized recession. Just a few days I have found out that the position for a nurse in one of the government hospitals has already been filled. And that was after almost two months of waiting. Tsk tsk tsk. Not worth the wait. I wish could go to bigger cities say Cebu just to increase my chances of getting employed. I envied my former neighbor-classmate who's in Manila now. But the problem is MONEY.

The income of our family is decreasing. I can probably blame it the mangungutangs. I really hate it when people always promise to pay when we already paid for the capital. Just so you all know, we have this tractor services wherein people pay for us to get their ricefields plowed. We already paid for the crude oil and the tractor operator and yet it is easy for them to tell us that they will pay later. Isn't that insulting? And were risking our tractors because they could get damaged along the way.

Just like the saying Justice delayed is justice denied, same goes with PAYMENT.

I could feel the start of the lean season. It's when people have to wait for the harvest season to come when they've already spent on education of their kids and their agriculture endeavors. I'm just hoping that we could get out of this crisis so I could start my adventure of finding a job.





Saturday, June 27

Sex Chair

Kahapon, may binili si Papa na upuang pwede nyang higaan habang nanonood ng TV. Hay naku, yang si Papa madaling makatulog kung may ingay. Pumupunta lang sya sa sinehan para matulog. Tuwing gabi naman, nagrereklamo si Mama kasi pinapatugtog ang mini-radyo di naman nakikinig.

Henny Ways, nakabili na nga. Tingnan mo naman o, kahit hindi ako interior designer, parang di talaga bagay sa sala. Wala naman akong powers. Pera nya yan. Sige ha, pag kaya ko nang makabili ng lalake dapat wala kayong angal. Echos!



At habang tinititigan ko ang higanteng salumpuwit, may naisip ako: If I cannot change how the object looks, I can change the way I look at object. Naks! (actually pinirata ko lang ang idea).ang totoong sex chair

At dito ko sinumulang naisip na pwede pala siyang gawing sex chair! O diba, native pero tarush...
May naisip na akong sex positions. Pwede akong bumukaka habang nakahiga at ibobottom ako. Hmmm, anu pa ba...

At dahil may footstool sya, pwede aking mag-doggie style habang nakadapa o nakayuko, oh deba. Aaawwww!(ala-Michael Jackson)...


Monday, June 22

Cool Ad But Beware...




I know I could have been the last person to hear this news. But I think it's worth posting. I just read a text message days ago containing this:

The new Coke Zero & Pepsi Max contains aspartame, a chemical substituted for sugar, which is known to be carcinogenic or cancerous. Cancer is now the leading cause of death worldwide so do not drink Coke Zero and Pepsi Max.

I just ignored this at first. But I was really shocked to find out in a news article that the artificial sugar in these drinks doesn't bring the sweet news at all. Worst, these softdrinks which are consumed mostly by health-conscious people may indeed harm their health and eventually lead them to death!



Sunday, June 21

Binoylos

Ito po ang binoylos. Naalala ko ito yung memorable gift na binigay ni lola sa akin nung graduation ng Day Care.


Gawa sa pinaghalong dinurog na saging at giniling na bigas na pinrito.


Ang ebidensya.


Gusto mo?


belat..

Saturday, June 20

Pangungulila

Matagal na rin ng nagkaroon ng pusa sa aming bahay. Kaya naman habang nagbabantay ako sa tindahan, minamasdan ko ang mga pusa sa tapat ng aming tindahan. Kinuhanan ko pa sila ng piktyur.

Eto, nagising yata ng lumapit ako. Pero pose pa rin.


At nang lumapit ako, bigla na syang kumilos papalayo. Parang takot mahawa ng swine flu. Ang bilis nilang ma-threatened o.


O, anong tingin-tingin mo dyan?

Friday, June 19

Suman Alupi

May iba't ibang klase ang suman. May mga nakakain at may mga buhay(etchos!). Ganunpaman, sa lahat ng mga suman na natikman ko, eto ang aking paborito. A-LU-PI.
Sa kaalaman ng lahat, ang alupi ay isang akronym. A ay asukal. Mas mainam kung puti ang asukal na ginagamit para malinis tingnan. LU ay lubi na niyog naman sa Tagalog. Sariwang buko ang gamit dyan. Kasama ang sabaw at laman na syang nagpapatamis sa suman. PI ay pilit na ang ibig sabihin ay malagkit na bigas. Giniling ang bigas para magsilbing laman ng suman.


Wala po ang ganitong uri ng suman sa department store. Madali syang mapanis kasi. Inilalako sya sa palengke. Kung gusto nyong matikman ito habang nasa Bohol kayo. Huminto muna kayo sa may palengke sa Bilar bago kayo pumunta sa Chocolate hills. Nasa tabi lang ng hi-way yan.O di ba, mukhang masarap?

Kain tayo. =)

Thursday, June 18

Native Fig Pie

Sa twing may delivery ng tinapay sa tindahan namin, ito ang inaabangan ko. Iba kasi sya sa mga nabibili sa bakeshops.


Ang gitnang bahagi ng fig pie (naalala ko tuloy yung klasmeyt ko na tawag nya dito pig pie) ang nakakaadik. Ma, Pa, pagpasensyahan nyo po ako. Hindi ko talaga mapigilang kumain nito.


Five pesos lang yan.

Bagay ba sa akin ang bangs?

Pasensya na, bored kasi ako.

Wednesday, June 17

Modus


Ang hirap ng buhay ngayon. Kaya hindi ka talaga kagulat-gulat na may nagtankang magnakaw sa aming tindahan.

Ang aming tindahan ay daanan ng tao, sa isang kanto na tabi ng highway at isang kalye. Akala siguro nila maraming pera ang mahuhuthot dito. Pero sa totoo lang, konti lang ang kita namin.

Nakikita mo ba yang motor na yan? Sa tabi nyan, ay may nakaumbok na sementong nakapatong sa bibig ng imburnal. (Tingnan mo na lang sa ibabaw para mas malinaw.) Dyan nakaupo ang isang kahina-hinalang binata na palingon-lingon daw sa dalawang kalye mga bandandang 4:30 ng hapon. May nakita nga akong tao dyan ngunit hindi ko pinansin kasi hindi siguro kagwapuhan. Marahil tinatantya nya kung may makakita ba sa kanya pag magsimula na sya sa panghold-up. Buti na lang at nakapansin yung kapitbahay namin na nakatira sa lumang bahay na tapat lang sa tindahan namin. (Makikita mo dito sa larawan ang bahay) Sinenyasahan nya yung isa pang kapitbahay naming seaman kasi akala nya yung bahay ng seaman ang punterya. Nilapitan ni seaman ang tao ngunit biglang umalis ang magnanakaw. Umangkas sya sa motor ng kasama nya. Yung motor na yun, walang plate number. Kahina-hinala diba?(Yang dalawang motor na nakikita nyo, hindi yan ang sasakyang ginamit.)




May isang aral akong napulot: Kilalaning mabuti ang mga tao sa inyung paligid. Chaka man o hindi.

Monday, June 15

Kalokang Video

Sunday, June 14

Rainy Days is Back

Akala tuluyan na ang tagtuyot dito sa amin. Paano naman eh dalawang linggong mahigit na eh tumigil ang pag-ulan. Nag-alala kami kasi nakatanim na yung mga punlang palay. Sayang naman kung mamatay lang dahil kulang ang patubig. Wala kasi kaming irigasyon. Naawa nga ako kay Itay (Happy father's day!) kasi magdamagan niyang sinusubaybayan ang pagpapadaloy ng tubig sa palayan. Paano kasi minsan, inililihis ng mga magsasaka yung daanan ng tubig para pumabor sa kanila. Biyaya talaga ang pagdating ng ulan.Minsan, buwisit din ang ulan. Nababasa kasi minsan ang mga paninda namin. Tsaka maraming taong nakikisilong sa tindahan. Alam mo naman sa panahon ngayon, mahirap magtiwala. Bagamat may mga negatibo, masasabi ko namang mas matimbang ang mga biyaya.

Maiba naman ako, malamig dito sa amin. Hayyy, sana may kayakap ako.

Saturday, June 13

"Magpakalalaki Ka!"



Hay naku, sabihin mo yan kay Raymond.
Bwahahahahaha!

Friday, June 12

Ang Pansariling Pananaw ko sa Kalayaan

"...forgive us our debts as we forgive our debtors..."

Maraming uri ng kalayaan. Isa na rito ang kalayaan sa pamamahayag na masagana dito sa atin. Minsan pa nga ay naaabuso ito ng ilang tao. Ngunit ibang mukha ng kalayaan ang nais kong talakayin. Ang kalayaang pampinansyal.

Alam naman siguro natin na ang Pilipinas ay baon sa utang. Sa katunayan ang bawat Pinoy, di pa man pinanganak ay may utang na. Muntikan na nga
tayong magkaroon ng fiscal crisis dahil lampas kalahati ng ating pambansang badyet ay ipinambabayad sa utang galing sa ibayong-dagat.

Sa tindahan namin, hindi maiiwasan na may mangutang. Paano kasi, halos lahat ng mga kapitbahay namin ay magka-dugo o di kaya ay magkakakilala kaya naman kuhang-kuha ang tiwala ni Nanay sa kanila. At isa pa, si Nanay ay mapagtiising puso. Minsan nga ay nag-aaway kami sa sobrang kabaitan nya. Maldita po ako :p.

Ang ikinaka-inis ko lang ay ang mga ito.Mantakin mo, magdedekada na, hindi pa rin sila nagbabayad!!!

Wala namang problema sa akin ang pangungutang. Bahagi na ng realidad ng buhay ang panghiram sapagkat hindi sa lahat ng panahon ay nabibiyayaan tayo. Ang pag-utang ay isang pananagutan at hindi karapatan.

Pakapalan lang talaga ng mukha ang mga tao ngayon. Si Nanay kasi, siya pa nga ang pinagkakautangan siya pa ang nahihiya. O siguro, pagod na rin siya sa paghahabol. Kaya minsan nagagamit ko rin ang kapal-muks ko. Ako yung umuusig talaga sa paniningil. Ayoko nang dumami pa ang ganitong klaseng mga tao. Matakot naman sila sa karma.

Sa karanasang ito, eto lang ang masasabi ko:

"Ang taong baon sa utang ay hindi pa nakakatikim ng kalayaan."



Thursday, June 11

Sari-sari Store


Dahil narin sa wala na akong matinong mailathala dito, at dahil sa nag-iisang taon na ang blog ko, siguro nararapat lamang na ibahagi ko ng unti-unti ang tungkol sa aking buhay-buhay. Alam nyo naman siguro na ako'y isang hamak na nars ngunit hindi pa rin magamit ang kurso. Marahil interesado kayo kung ano ang pinagkaka-abalahan ko.

Opo, nagbabantay po ako ng tindahan namin. Hindi po ako tambay subalit marami pong tambay dito. May sentimental na halaga po ang sari-sari store. Ito po ang unang negosyo na pinasukan ni madir. Nagclick namn noong una pero sa kalaunan, humina dahil sa maraming kompetensya. Ewan ko ba, bawat kanto meron. Siguro dahil madali syang pasukin ngunit iilan lang ang nagtagumpay.

Kaya naman wag na kayong magulat kung may pangyayari akong masabi rito habang nagbabantay ako sa tindahan. O sige, babalik muna ako sa trabaho ha.

Wednesday, June 10

One Liter of Tears (Neighborhood Version)

Itago na lang natin sya sa pangalang Julius. Isa sya sa dalawang anak ng isang masipag na masipag na mag-asawa. Sa katunayan, hindi na sila nagsisimba tuwing Linggo para lang matutukan ang kanilang negosyong babuyan at sari-sari store. At sa dami ng pera nila, natatakot na silang ma-inside job kaya wala silang katulong. Sila-sila lang. Mula sa pag-aalaga ng baboy hanggang paghahakot ng kung anu-ano. Damay pati ang mga anak.

At marahil sa sobrang pagpapagod, naningil ang murang katawan nya. Si Julius na walang kamuwang-muwang ay nagkasakit ng leukemia sa edad na katorse. Minsan naisip ko, mapagbiro ang tadhana. Kung sino pa ang mabait , yung hindi nangungupit, sya pa ang nagdurusa. Malaki ang paghihinagpis ng mga magulang. Hindi ko sila masisi kung ipinasailalim pa sya sa chemotherapy. Sa tingin ko, yun ang mas nagpalugmok pa sa sitwasyon ng bata. Andun na yung kawalan ng ganang kumain, pagsusuka at pag-ihi ng dugo. Damang-dama ko ang bawat kirot sa kanyang katawan.

Hanggang sa noong Sabado ng madaling araw, tinuldukan na ang kanyang matagal-tagal na pagdurusa. Tuluyan na siyang kinuha ng Maykapal...

Sa ngayon nakaburol pa sya sa kanilang bahay. Ipagdasal natin ang kaluluwa nya.

Tuesday, June 9

Ming is Pregnant


Eeeeeeeekkk!!!

Monday, June 8

Brother Ming

So what made me inactive for almost a week now? Preparations related to the activities last weekend for CFC-Youth for Christ. Blame it on my unemployment status. So yes I'm Christian..and gay. Oxymoronic it is but what the heck, there's no such thing as gay-friendly religion or religious organization for that matter.

Talking more about that, last Friday I was stunned with what I saw on the Bible. It says on that part there:

9Do you not know that the wicked will not inherit the kingdom of God? Do not be deceived: Neither the sexually immoral nor idolaters nor adulterers nor male prostitutes nor homosexual offenders 10 nor thieves nor the greedy nor drunkards nor slanderers nor swindlers will inherit the kingdom of God. 11 And that is what some of you were. But you were washed, you were sanctified, you were justified in the name of the Lord Jesus Christ and by the Spirit of our God. 1 Cor. 6:9-11.

If you've read my Hell Yeah post, I clearly said there I've already accepted my afterlife fate. But then the former statement was so solid. What really worried me is the "rejection". Though I had a slight relief with the last verse.

As of the moment it's been good that somehow I am able to resist porn and masturbation for a couple of days now. I think the atmosphere of what I had last week has been sustained. FYI, worship was one of the activities over the weekend that really moved me. This feeling may be temporary but I pray that I could overcome every struggle. After-all, being gay per se is not a sin.


Tuesday, June 2

Myopic Camera

Myopia: eyesight abnormality resulting from the eye's faulty refractive ability; distant objects appear blurred




What the hell had happened to my A4tech PK-camera? It's blurry!