"...forgive us our debts as we forgive our debtors..."
Maraming uri ng kalayaan. Isa na rito ang kalayaan sa pamamahayag na masagana dito sa atin. Minsan pa nga ay naaabuso ito ng ilang tao. Ngunit ibang mukha ng kalayaan ang nais kong talakayin. Ang kalayaang pampinansyal.
Alam naman siguro natin na ang Pilipinas ay baon sa utang. Sa katunayan ang bawat Pinoy, di pa man pinanganak ay may utang na. Muntikan na nga tayong magkaroon ng fiscal crisis dahil lampas kalahati ng ating pambansang badyet ay ipinambabayad sa utang galing sa ibayong-dagat.
Sa tindahan namin, hindi maiiwasan na may mangutang. Paano kasi, halos lahat ng mga kapitbahay namin ay magka-dugo o di kaya ay magkakakilala kaya naman kuhang-kuha ang tiwala ni Nanay sa kanila. At isa pa, si Nanay ay mapagtiising puso. Minsan nga ay nag-aaway kami sa sobrang kabaitan nya. Maldita po ako :p.

Ang ikinaka-inis ko lang ay ang mga ito.
Mantakin mo, magdedekada na, hindi pa rin sila nagbabayad!!!
Wala namang problema sa akin ang pangungutang. Bahagi na ng realidad ng buhay ang panghiram sapagkat hindi sa lahat ng panahon ay nabibiyayaan tayo. Ang pag-utang ay isang pananagutan at hindi karapatan.
Pakapalan lang talaga ng mukha ang mga tao ngayon. Si Nanay kasi, siya pa nga ang pinagkakautangan siya pa ang nahihiya. O siguro, pagod na rin siya sa paghahabol. Kaya minsan nagagamit ko rin ang kapal-muks ko. Ako yung umuusig talaga sa paniningil. Ayoko nang dumami pa ang ganitong klaseng mga tao. Matakot naman sila sa karma.
Sa karanasang ito, eto lang ang masasabi ko:

"Ang taong baon sa utang ay hindi pa nakakatikim ng kalayaan."

1 comment:
oh my god!
Post a Comment