Maiba naman ako, malamig dito sa amin. Hayyy, sana may kayakap ako.
Sunday, June 14
Rainy Days is Back
Akala tuluyan na ang tagtuyot dito sa amin. Paano naman eh dalawang linggong mahigit na eh tumigil ang pag-ulan. Nag-alala kami kasi nakatanim na yung mga punlang palay. Sayang naman kung mamatay lang dahil kulang ang patubig. Wala kasi kaming irigasyon. Naawa nga ako kay Itay (Happy father's day!) kasi magdamagan niyang sinusubaybayan ang pagpapadaloy ng tubig sa palayan. Paano kasi minsan, inililihis ng mga magsasaka yung daanan ng tubig para pumabor sa kanila. Biyaya talaga ang pagdating ng ulan.
Minsan, buwisit din ang ulan. Nababasa kasi minsan ang mga paninda namin. Tsaka maraming taong nakikisilong sa tindahan. Alam mo naman sa panahon ngayon, mahirap magtiwala. Bagamat may mga negatibo, masasabi ko namang mas matimbang ang mga biyaya.
Maiba naman ako, malamig dito sa amin. Hayyy, sana may kayakap ako.
Maiba naman ako, malamig dito sa amin. Hayyy, sana may kayakap ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


1 comment:
it's flu season too. grabe!
love,
nobe
www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com
Post a Comment