Try kong i-translate to Tagalog ha...: Hwag kayong bumoto sa abusado ng Tarlac. Matapobre yan! Bakla Aquino = Walanghiya Inutil Pilipinas Yang Bakla Aquino
Nakita ko yan sa latang sisidlan namin ng pera. Nakakagulat. In fairness, creative ang may pakana nito. Bawal na kasi ang siraan sa TV.
Personally hindi ko gusto si NoyNoy. Alam nyo naman yan dahil may post ako tungkol sa kanya. Pero sobra naman ang ginawa ng isang to. Ano kaya ang pumasok sa isip nya upang gawin itong uri ng gimmick. Kayo na ang humusga.
Sorry guys, ngayon lang talaga ako nagkaroon ng chance na magpost. Naging hectic kasi ang schedule ko last weekend. Ang daming nangyari kaya naman dapat lang siguro na magkwento ako.
Simulan ko last Friday. Grabe ang nangyari sa akin as in big news. Habang mag-isa ako sa bahay, na-tempt na naman ako na manood ng porn sa internet. Ang shocking na part jan ay may nakakita!Yes, as in OMG, caught in the act! Itago na lang natin sya na R. Paano kasi, pinapasok ko si R at C sa bahay. Magnobyo sila. I was so careless at that time, akala ko di sya tumingin while I’m closing the window. I was so red faced at that pero nangyari na ang nangyari. Sabi naman ni R “sekreto natin to ha” with matching halakhak. I was so embarrassed. I really didn’t know what to do. Although C didn’t see it pero he knew the idea. So dalawa na silang may alam. FYI po, member ako ng isang renewal community group in which part din silang dalawa. So double the embarrassment, double the guilt—parang katapusan na ng mundo. Until now, I can still feel the effects of the consequences.
Nakakainis talaga ang Globe. Ngayon lang nag-online ang internet. Tapos nagkanda-leche leche ang Autoload Max. Nadoble or triple ang nakukuha sa ming load wallet. Lugi na kami.
Anyways since wala akong maisip na ipost, and tutal I'm single and okay..magbibigay ako ng dahilan kung bakit karapat-dapat akong manatili sa aking estado.
1. Financial. Wala kong trabaho. At kung meron man, yung sobra ng sweldo ko ibibigay ko sa pamilya ko dahil hindi biro ang ginastos nila sa pagpapa-aral ko. Yung iba naman sa charity, yung iba...hay naku, wala pa ngang pera isip na kaagad ng gastos. Leche!
2. Spiritual. Sabi nga ni St. Paul, "It is better for a guy not to marry." (Maniwala ako, bading sha---haha joke lang) Sa totoo lang mahirap sa katulad natin ang mag-asawa (ng babae ha). Maraming issues na dapat isettle.
3. Intimacy. I hate holding hands. PDA. Ayoko ng may katabi sa kama. Tinitiis ko nga lang pag katabi ko ang kapatid ko. Naiinitan kasi ako. Tsaka ayoko nang tinatandayan ako. (Pasensya, hindi ko kasi alam ang Tagalog ng tanday. Kandong yata?)
Kanina pina-apply ako ng mga magulang ko sa Tagbilaran. I-check ko daw kung pwedeng mag-apply as casual nurse sa vice governor's office. Si Vice Gov daw kasi ang may K na magpapasok ng casual kasi "hawak" nya ang budget ng province. Honestly, napilitan lang akong pumunta doon.
Hinanap ko ang vice-gov's office. Maraming tao. Iba-iba ang pakay ngunit iisa ang hangarin--humingi ng tulong. Wala akong kakilala. Nakakahiya.
Nanumbalik ang mga mapapait na ala-ala. Ang ilang araw na paghihintay na makakuha ng trabaho, ang paghingi ng tulong sa mga kamag-anak para lang magkaroon ng "backer", at ang kabigu-an. Saksi ang bawat bahagi ng building na ito. At tuluyan ko itong nilisan.
Sunod na tinumbok ko ay isang call center dito sa Bohol. Eto lang ang alam kong call center dito. Hindi po kalakihan ang sweldo. Pang-minimum wage yata. Okey lang daw sabi ni Papa. May matutuluyan naman ako sa Tagbilaran yun ang importante. Binigay ko ang resume at ngayon ay naghihintay na naman.
Isa sa mga dahilan ng pagblo-blog ay ang maglabas ng sama ng loob.
Makailang beses narin akong mag-apply sa gobyerno. Remember this post?
At ngayon disappointed na naman ako. Nag-apply kasi ako sa NARS program. Tawag ako ng tawag sa kanila. Tinatanong ko kasi kung kelan lalabas yung resulta ng mga ma-hihire. Sabi nila next week. Maka-ilang beses kaya yung next week nila. Tapos nagsabi sila nang definite date ng pagstart ng training-October 15. Tatawagan daw ako kapag napasok. Wala namang tumawag. Sabi pa nila, makikita daw yung results ng mga na-hire sa website nila. Hanggang ngayon eto parin ang nakikita ko.
Si Mama ay isang shopaholic. Pero mga nilalako ang tirada niya. Bumili sya ng bonsai sa halagang 50 pesos. Tingin ko sulit naman. Cute sila. Yung isa dyan, bandang kaliwa, tawag ay money tree. Aber, maswerte kaya...
At dahil nakukyutan ako, papangalanan ko sila (L-R): Kimberly, Rosalie, at Jennifer. Obvious fan ni Santino hehe...
Kagabi ko siya nakita sa may garahe ng kapitbahay. Mag-isa at tila sumisigaw ng saklolo. Syempre naawa ako. Dinala sa bahay. Nagalit si Papa kaya binalik ko na lang. Nagulat na lang ako nang natunton nya ang bahay namin. Hindi naman ganun kalayo. Pinakain ko. Mukhang gutom na gutom kasi magana kumain. Pinatong ko sa isang sako para matulog. Iniwanan ko kahit hiyaw ng hiyaw (di naman kalakasan). Binalikan ko kasi nag-aalala ako. Mahimbing naman ang pagtulog ngunit nagising nang makita ko. Dinala ko na lang sa kwarto kasi matagal na ring wala akong katabing pusa sa pagtulog. so far, nakaka-adapt naman siya. Wala pa siyang pangalan. Eto sya oh.
Hindi siguro effective ang Bayotflu. Although okay-okay naman ang kondisyon ko. Hindi na ako bumabahing. No more teary eyes. Ang problema ko lang ngayon ay pa-os ang boses. May bara sa lalamunan, parang tamod LoL. Kaya hindi ako gumagaling kasi hindi na ako maaga matulog these days. Lecheng PBB na yan. Nacurious ako tuloy dahil may tagaBohol na nakasali. Schoolmate ko kasi. Nakakahook din si Melissa, ang kenkoy-kenkoy. Sayang lang kasi wala na yung kambal. Crush ko pa naman si Kenny at lalo na si Papa JM. Hindi ako mashadong na-satisfied sa mga pumalit. Kainez.
Uso na naman ang ubo, sipon, at lagnat ayon yan kay Neil Ryan Sese(crush ko yan) sa Bioflu TVC. Uso ang ubo dito sa amin. Nagsimula nga itong sakit ko sa simpleng ubo na ngayo'y lumala.
At habang nagtatype ako dito, panay aking pag-hahhahatsssingggg! Panay pahid din ng matubig na sipon. May lagnat din ako at giniginaw. Dati, keri ko lang maghubad ng shirt pag matutulog pero ngayon kailangan may kumot na. Huhuhu. I'm a nurse who needs a nurse.
Humihina na kaya ang immunity ko? Baka may HIV ako-eeeekkk!!! Sorry napaparanoid lang ako. Paano ba naman eh ang landi ko. O cya, pahinga na. Importante ang rest kasi lately matagal na akong matulog. Lecheng PBB yan. Buti na lang wala na yung twins. (Wafu nila!)
Sa wakas, nabasag din ang salamin ng katahimikan. Kailangan eh.
Na-try nyo na bang makasuhan ng libel? Ako, hindi pa. Wag naman sana. Hindi ko type maging Lolit Solis. Ganito kasi yun. May post kasi ako dito na nakalagay yung real name ng tao. Kagabi may tumawag sa akin. Kilala daw nya yung guy. Ayun, nag-usap kami kasi nay itatanong daw sya tungkol sa guy. Kahit hindi ko sya siniraan directly, the mere fact that I mentioned him---nakakatakot talaga. Next time, dapat masanay na ako sa paggamit ng alias.
Last weekend, I attended a youth camp of YFC. Syempre maraming kabataan duon. Ang daming CUTE na kabataan doon! (Ay, landi--Christian activity po etoh) May isa ngang cute na guy na matagal-tagal kong tinutukan at nahuli yata ako. Yay! Bahala na, iniwasan ko na nalang. Di ko mapigilan eh, very innocent-looking (highschool lang sya, Dios Mio!). Sorry, no pics of him eh.
Fast forward to confession. Yes, kailangan kasi related ito sa Forgiveness and Healing na one of the talks sa camp. At first naghesitate ako pero nagkaroon ako ng tapang. Ikukumpisal ko na kay Father---mga kalaswaan ko. Basta ang sinabi ko lang eh I've done premarital sex, masturbated, homosexual acts-ganun. Ewan ko lang kung nagtaas ba ng kilay si Fadir basta ang sinabi lang niya na tigilan ko na daw ito para hindi na maulit. Sinabi ko kasi sa kanya na pa-ulit ulit na lang ang mga sala ko, yun lang siguro ang natandaan nya. 10 Our Fathers and Hail Marys ang consequence. Not bad.
Nakakapagod talaga ang youth camp kasi makukulangan ka sa tulog. Pero refreshing talaga kasi marami akong nakitang mga magagandang bagay. Hanggang tingin lang ako, di naman ako ganun kalandi. Thank you talaga Lord sa mga blessings!
Buti naman naayos na ang computer namin. Akala ko matatagalan pa ang pag-ayos ng computer. Nakakalungkot nga lang kasi kinuha ng kapatid kong nasa Cebu ang camera kasi gagamitin daw niya.
Pero ayos na rin ito. Magpopost na lang ako sa web.