Hinanap ko ang vice-gov's office. Maraming tao. Iba-iba ang pakay ngunit iisa ang hangarin--humingi ng tulong. Wala akong kakilala. Nakakahiya.

Nanumbalik ang mga mapapait na ala-ala. Ang ilang araw na paghihintay na makakuha ng trabaho, ang paghingi ng tulong sa mga kamag-anak para lang magkaroon ng "backer", at ang kabigu-an. Saksi ang bawat bahagi ng building na ito. At tuluyan ko itong nilisan.
Sunod na tinumbok ko ay isang call center dito sa Bohol. Eto lang ang alam kong call center dito. Hindi po kalakihan ang sweldo. Pang-minimum wage yata. Okey lang daw sabi ni Papa. May matutuluyan naman ako sa Tagbilaran yun ang importante. Binigay ko ang resume at ngayon ay naghihintay na naman.
Hindi talaga madali ang buhay.


4 comments:
Aw, I would hug you if I could, Ming.
Alam mo yung kanta ni Dianne Reeves na "Better Days" di ba?
Things will get better.
just hold on. makakahanap ka rin.
hmmm---kaya pala familiar sakin yung pic. hehe. kaya yan. take your time. kasi pag nakapasok ka na --mamimiss mo rin yang time na naghahanap ka ng work kasi me time kang tumambay paminsan minsan at kumotkot ng mani sa kanto pag pagod na--hehe. Im sure makakahap ka soon. just persist. cheers
agree ako kay nam/butch. dadating din yan. =)
Post a Comment