Monday, August 31

Post-Miss U Awards

Nanood ako Sunday ng gabi sa Miss U. Gusto ko lang kasi makita kung nasa harap ba talaga si Miss Philippines nung opening number. Sadly, hindi ko talaga siya mahagilap; masyadong mabilis ang kuha ng camera.

Sa totoo lang, last song syndrome ko parin ang music ng Black Eyed Peas, Sean Kingston, at Flo Rida na ginamit sa beaucon. And every time na pinapatugtog ito, feel na feel ko ang pagrampa.

At since nabobored na ako at parang wala naakong mai-share tungkol sa tindahan (nagiging routine na sya), mag-aaward na lang ako nase sa aking nakita sa katatapos na pagaent.

Best in Side-View Rampa - Miss PhilippinesOh, laban ka!

Best Actress (as in Kinarir Talaga) in a National Costume - Miss ZambiaSuntukan na lang tayo, pare...

Miss Photogenic - Wallflower Category - Miss Philippines
Taas Noo Special Award - Miss ChinaGo teh, make your forehead proud!


Saturday, August 29

Bwisit Costumer

BC: Pabili po ng gas. Kalahating (Tanduay) lapad.

Me: 11 pesos na po ang kalahati.

BC: Bago pa lang ako dito nakabili 10 pesos pa lang ah.

Me: Katataas lang po ng presyo. (Kinuha ang bote, nilagyan ng gas, at inabot sa BC.)

BC: (Nag-abot ng bayad na sampung piso) Bibili rin ako ng tsinelas.

Me: Kulang to ng piso ah. [Tigas ulo!] Bawasan na lang natin.

BC: Hwag.

Me: [Kapal!] O sige sa susunod ha, 11 pesos hap! (Invierna Tone)

Wednesday, August 26

Boys Over Flowers Souvenirs, Mabenta

Yan ang pin ni Woo Bin. Ewan ko sa camera malabo eh. Sya lang sa F4 ang nakyukyutan ako.Pipicturean ko sana yung cards na may pic sila. Kaso naubos eh, mamiso lang kasi. Kaya ang natira ay mga 5-peso pins na lang.



Tuesday, August 25

And Audrey Was Her Name


Hay salamat nakapagpost na ako. Nasira kasi ang card reader namin kaya nakihiram lang ako ng USB cord. E alam nyo naman, mahilig akong magpost ng pics.

Yang tuta pala nag bago naming alaga. Si papa kasi, na
gustuhan daw nya kasi behave lang. Si mama kasi may pagka-nagger, (minsan lang naman) hehehe.



Ang pangalan pala ay kinuha sa dramang Tayong Dalawa na sinusubaybayan ni Mama.




Thursday, August 20

Pupunta Ako ng Cebu Bukas


Mahalaga po ang pakay ko doon. Pero bukas ako sa mga nais makipagkita tutal minsan lang ako makapunta ng Cebu. Iniiwasan ko lang po ang mga hook-ups, mahirap na. Wala po akong balak maghotel, uuwi ako kaagad sa hapon.

Monday, August 17

Life is A Bitch

Grade 2 girl: Pabili po ng bitch.

Me: (Aba, kebata-bata pa eh nagmumura na.) Anong b
itch?

Grade 2 girl: Etoh oh. (Sabay turo sa tinutukoy.)

Me: A, yan pala. (Letcheng bitch na yan.)

Rice is Gold

Yohoo, anihan na!


Proud ako na isa kami sa unang nakapag-ani. Nakakainis lang talaga yung mga maya. Kinakain nila yung palay. Karapat-dapat lang na hindi sila ang hiranging pambansang ibon, mga peste sila. Buti na lang, may mga humuhuli at kumakain sa kanila.

Thank God, umaaraw ngayon. Kasalukuyan naming binibilad ang mga palay.

Friday, August 14

Pekeng Solicitation Letter

Isang araw habang nagbabantay ako sa tindahan, may nakita akong lalake. Pasensya, hindi sya cute. May hawak syang sulat. Pamilyar ang sulat na ito. Noong estudyante pa kasi ako, sumasakay ako sa bus pauwi sa amin. May babae na tumayo at nagsalita sa aming harapan. Nanawagan sya na mag-donate ng pera para kanilang kawang-gawa o kung ano naman ang tawag dun. Andaming beses na nyang ginagawa ito. Kapal. Ang ikinaiinis ko lang, hindi ko pwedeng kunin ang sulat nila.

Eto na ang pagkakataon. Buti na alang at meron akong camera. Kaya ayun, pinicture-an ko.
Hindi naman ako KJ. Nagbigay ako ng 2 pesos. Natagalan kasi ang pagkuha ko ng picture.


Wednesday, August 12

Permit

Nakakainis. Ang daming permits. Dalawang permits ang ayaw na ayaw ko. Una, yung tungkol sa pagbenta ng animal feeds at veterinary drugs. Yung pangalawa, sa NFA kasi nagbebenta kami ng bigas. Kahit paisa-isang sako lang, kailangan parin bayaran. Leche, pineperehan lang kami!

Idagdag mo pa yung buwis na may quarterly at monthly pa. Tingin ko nga parang hindi na kumikita ang tindahan. Ang kita napupunta lang sa mga babayarin. Buti na lang hindi ito ang nag-iisang pinagkukunan ng salapi namin.

Ewan ko ba, hanggang kailan kaya ito matatapos.


Monday, August 10

Naki-uso




I like it. Sounds encouraging to me.

Sunday, August 9

Cory Aquino,Bayani Hindi Santo

Hay naku. Sa dinami-dami nating Katoliko sa ating bansa, kakarampot lang ang may malawak na kaalaman sa pananampalatayang ating kinagisnan.

Para sa inyong kaalaman, isa sa mga mahahalagang sangkap upang hiranging banal ang isang tao ay himala.


EDSA? People power? Himalang matuturing? hindi. Kung inyo pong susuriin, sikap-pangkatauhan (people's initiative) po ang nangyari. Ang kampanyang isang milyong lagda ay syang nagtulak sa kanya na maging tinig ng sambayanan. Ibig sa sabihin, walang himala!!! Tao lang ang gumagawa ng himalaaaaa!!!

Thursday, August 6

Bagyong Walang Ulan

Ganito ang nangyayari sa labas ng aming tindahan.

Monday, August 3

Kung Makakapagsalita Lang si Cory

Alam kong hindi na nya aabutin ang 2010. Kaya nga nung ibinalitang wala na syang ganang kumain, tanda na yun na di na sya magtatagal. Karaniwan na kasi ang mga pangyayaring iyan nung nasa pagamutan pa ako bilang nars. May tumututol man ngunit sa tingin ko ay natugunan na ang mga walang humpay'ng dasal ng sambayanan. Natapos na ang pagdurusa.

Maiba lang ako. Panay ang lathala sa telebisyon ukol sa burol ni Cory. Napupuno na ako ngunit inaasahan naman ang mga ganito. Buti na lang at madalas ako sa tindahan. Habang ako'y nanunuod, napansin ko ito:


Kung makakapagsalita lang si Cory, marahil ito ang isasagot nya.

Tita Cory: Oo naman, kasama ko nga dito si Ninoy eh. He he he.

Pansin ko lang, bakit may "City of Makati" sa ibaba? Hmm...


Sunday, August 2

Naglalawang Kweba

Mahilig ako sa malalaswang tanawin. Talaga. Lalo na sa mga larawang pinapakita ang pagpapalabas ng dagta. Ewan ko ba, mahilig talaga ako sa dagtang-tao. Sa katunayan, tinitikman ko ito (kadiri--alam ko).

Subalit marahil na rin sa pagkasawa ko sa titi, ang sa babae naman ang pinagkatuwaan ko.


Masasabi kong nakakalibog tingnan ang nilabasan na puke. Ngunit hindi naman siguro ibig sabihin nun na ako'y silahis(wag naman sana).

At dahil labis-labis ang aking pagnanasa ng dagdag-kaalaman ukol dito, gumawa ako pananaliksik. Dito ko napagtanto na magkatulad lang pala ang lumalabas na katas ng babae at lalaki maliban na lang sa kawalan nito ng binhi.

Pinapaalala ko po sa inyong lahat na Buwan ng Wika ngayon.