May iba't ibang klase ang suman. May mga nakakain at may mga buhay(etchos!). Ganunpaman, sa lahat ng mga suman na natikman ko, eto ang aking paborito. A-LU-PI.

Sa kaalaman ng lahat, ang alupi ay isang akronym. A ay asukal. Mas mainam kung puti ang asukal na ginagamit para malinis tingnan. LU ay lubi na niyog naman sa Tagalog. Sariwang buko ang gamit dyan. Kasama ang sabaw at laman na syang nagpapatamis sa suman. PI ay pilit na ang ibig sabihin ay malagkit na bigas. Giniling ang bigas para magsilbing laman ng suman.

Wala po ang ganitong uri ng suman sa department store. Madali syang mapanis kasi. Inilalako sya sa palengke. Kung gusto nyong matikman ito habang nasa Bohol kayo. Huminto muna kayo sa may palengke sa Bilar bago kayo pumunta sa Chocolate hills. Nasa tabi lang ng hi-way yan.

O di ba, mukhang masarap?

Kain tayo. =)