Nakakita na ba kayo ng taong weird? Este nakakilala pala? Ako oo. Last last week pagkatapos ng conference na nangyari sa CDO, nasa quarters kami which is isang elementary school duon sa CDO dahil sa susunod na araw pa ang pauwi ko. Marami din palang "stranded" at ayaw-maghotel-kasi-mahal na yfcs duon. Ang iba, galing Mindanao, Luzon at Visayas. Haluhalo kumbaga. At nakasalamuha namin sila.
Oras na ng hapunan yun. Hindi ako gutom kasi kakalatswa ko lang sa Limketkai at naglafang (zero hada). So in the spirit of friendship, nakijoin na
rin ako sa iba mag-inuman---Coke lang naman so nagbigay ako ng 50 pesos. May sukli pa yang 30 pesos kasi 20 lang ang ichichip-in. Tawagin nalang natin ang binigyan ko ng 50 pesos na si Alex (hindi tunay na pangalan).
Si Alex ay taga Iloilo kaya nagtatagalog nalang siya para magkaintindihan kami. Culture na ng yfc ang worship at fellowship kaya naisipan nyang magkaroon ng mini-fellowship, yaman din lamang at pinapalipas namin ang gabi. So pagkatapos ng worship, he takes on the stage. May pagka-conservative Catholic pala sya. Tinuruan kami ng tamang pagsign of the cross(three fingers only symbolizing Holy Trinity) , pagreceive ng communion (sa bibig hindi kamay), at super pagpromote ng rosary (malalaman nyo kung bakit).
Pagkatapos dun ay dun pa sila naghapunan. Late na sila kumain. Nagsimula akong magduda sa kawerduhan ni Alex nang hindi niya isinauli ang sukli sa Coke. Kahit ilang beses na akong lumapit sa kanya, parang hindi niya nagegets o sadyang nag-mamaangmaangan lang siya. Iniisip ko baka hindi ko na makukuha ang sobrang pera, pamasahe din yun. Kaya naglakas-loob akong singilin ang pera. At binaligtad pa nya ako, sabi ay binigay na daw nya. Naloka ako for a second at iginiit ko talaga na hindi pa kahit ilang beses pa niyang tinan
ggi. At nakuha ko rin sa wakas. Parang may slight trauma ako sa nangyari. Read: wala akong tiwala sa kanya.
Before pa nung maghapunan, habang dinadala naming ang biniling Coke ay lumalakad kami papunta sa quarters. Nakasalubong namin ang isa pa
ng grupo ng yfcs na nagfefellowship o worship. Sabi niya "Nakakainis." Dapat pa nga magpasalamat sya dahil na-inspire sila sa ginawa niya. Inggitera ang ang bruha.
Nang ready na kaming matulog ng kasama kong taga-Bohol, niyaya kami ni Alex na magrosary. Tumanggi kami dahil inaantok na kami. At kakaiba rin yung style nya kasi pandamagan. Sino ba naman ang hindi maloloka dun? Kahit na parang pinipilit kami ay sinabihan na lang namin syang maaga ang byahe namin bukas. Bahala siya sa buhay niya.
Eto ang pic niya while nagfefellowship kami. Wala na akong ibang shot. Pasensya.