Saturday, July 19

Miss U






Behold the most beautiful pics in the universe. (Walang kokontra! Blog ko to! :p)

Friday, July 11

Dear Charo(t),

Araw iyon matapos ang nakakapagod mga dalawang araw ng pagsusulit para sa mga nurses. Oo nga nakakaubos ng lakas, galing pa ako ng disco bar the night after. Ganunpaman,di ko masyadong inintindi yung hirap ng exam. (Hindi madali yun ah) Mas nag-alala ako ngayong di na magkikita ang aming landas. Ang isang buwa't kalahati mahigit ay natapos na pala. Hindi ko namalayan na ang pantasya ko'y biglang aalis na lang ng ganito. Well, some good things never last. Nag-wawhat ifs na lang ako. Di ko kasi sinabi ang damdamin ko para sa kanya. Subalit alam kong mapupunta lang iyon sa kawalan sapagkat siya ay tuwid. Straight. Kahit medyo kaduda-duda kasi may pagka-metrosekswal.(palaging tumitingin sa salamin, may pagka-maarts, atbp) Di ko yun inintindi sa sobrang pagkahumaling ko sa lalaking ito.
Natatandaan ko noong una kaming nagkita sa hospital. Tingin lang ako ng tingin sa kanya. Hanggang sa sya ay nakapansin. At tumigil ako, at tuningin sa ibang bagay. Pero alam kong alam nya na nakatutok ako sa kanya, nakakahiya nga eh.
Natatandaan ko rin noong inakbayan nya ako. Ginawa na iyon para pagselosin yung isang bading na kasali namin sa review, palaging nang-haharass sa kanya. Kung alam lang niya, kinilig ako kahit halos di ako mapakali. Isa sa mga pinagsishan ko nung panahong iyon ay nung nagreview kami at sa sobrang haba ng oras lampas sa tanghalian at nagutom kami. Hindi na niya matiis. Nakiusap siya na samahan ko sya. Di ko sya sinamahan. Mas inuna ko ang mga pointers ng review. Ewan ko ba kung anong naisip ko't di ko sya dinamayan lubha akong nag-alala sa kanya. Pagkakataon ko na sana iyon. Ma-issue na kung ma-issue ang importante ay maipakita ko man lang sana na ako'y nag-aalala rin sa kanya. Siguro kasi may pagka-anti social ako. Ang sakit nun sa dibdib animo'y inaksak ako ng itak ng sarili kong kamay. (at habang nagtatype ako may pinatugtog na background music "Run to You" by W. Houston...:( sad ) Kaya nga sa panahong ito sisikapin kong bumawi. Kung sa anong paraan, pag-iisipan ko pa.




Dumako na tayo sa araw pagkatapos ng board exam. (Layo na nang nilipad natin..) Bilis talaga ng panahon, nag-iimpake na kami pauwi. Samantalang sya, pupunta sa girlfriend nya. Kahit masakit, tinulungan ko sya kasi nga kaibigan ko sya. Gusto ko lang bumawi. (I don't want to let you go, baby..hehe) At eto na ang pinaka"thrilling" na bahagi ng kwento: Sasabihin ko ba sa kanya ang nararamdaman ko O ipagsasawalang-kibo ko na lang? Hayyss. At napagtanto ko na kahit ano pa ang sabihin ko sa kanya, di parin nya ako papansinin kasi ng a sya ay straight! Kaya ang ginawa ko ay kumuha na lang ako ng litrato nya. Hindi ito biro kasi nanginginig pa ako ng konti nung naki-usap. Nakakahiya kaya!

O sya, eto na yung pic. Pasensya na, di masyadong maganda yung quality tsaka di rin sya photogenic. Basta ang masasabi ko, mas gwapo sya sa personal.







Wednesday, July 2

I Quit!


ang bilis kong sumuko noh?
7 days of training.
2 days of taking calls.
no, actually i did not quit because i was tired.
it was because of another opportunity.
private english tutor.
kaya nagdahilan ako.
kesho i was having a sore throat(it's true). kesho i can't talk (eto hindi with extra dramatic performance). my mom wants me to go home.(liar!)
well actually pagod na rin ako sa night shifts.

my funny moments:

(in a practice demo)
me: Please priss (press) the button below the word Menu.

(actual call)
american call: ....i wanna activate my phone. could you help me?....
me: so you wanna activate your phone? o sige...