Showing posts with label crush. Show all posts
Showing posts with label crush. Show all posts

Monday, October 12

Hindi Pa Gumagaling

Hindi siguro effective ang Bayotflu. Although okay-okay naman ang kondisyon ko. Hindi na ako bumabahing. No more teary eyes. Ang problema ko lang ngayon ay pa-os ang boses. May bara sa lalamunan, parang tamod LoL.

Kaya hindi ako gumagaling kasi hindi na ako maaga matulog these days. Lecheng PBB na yan. Nacurious ako tuloy dahil may tagaBohol na nakasali. Schoolmate ko kasi. Nakakahook din si Melissa, ang kenkoy-kenkoy. Sayang lang kasi wala na yung kambal. Crush ko pa naman si Kenny at lalo na si Papa JM. Hindi ako mashadong na-satisfied sa mga pumalit. Kainez.



Saturday, October 10

FLU

Uso na naman ang ubo, sipon, at lagnat ayon yan kay Neil Ryan Sese(crush ko yan) sa Bioflu TVC. Uso ang ubo dito sa amin. Nagsimula nga itong sakit ko sa simpleng ubo na ngayo'y lumala.

At habang nagtatype ako dito, panay aking pag-hahhahatsssingggg! Panay pahid din ng matubig na sipon. May lagnat din ako at giniginaw. Dati, keri ko lang maghubad ng shirt pag matutulog pero ngayon kailangan may kumot na. Huhuhu. I'm a nurse who needs a nurse.

Humihina na kaya ang immunity ko? Baka may HIV ako-eeeekkk!!! Sorry napaparanoid lang ako. Paano ba naman eh ang landi ko. O cya, pahinga na. Importante ang rest kasi lately matagal na akong matulog. Lecheng PBB yan. Buti na lang wala na yung twins. (Wafu nila!)

Maka-inom nga ng Biotflu.







Saturday, May 30

Another Yummy Dockie





Speaking of yummy doctors, I hereby present one of my crushes. Let's just call him Doc PJ.

Good news: He's 32 and single...

Tuesday, May 26

Hedonism

is a school of philosophy which argues that pleasure has an ultimate importance and is the most important pursuit of humanity (Source: Wikipedia).

I have found pleasure watching this guy below.

Yesterday, I had the chance to see the Cavs vs Magic NBA game in an office. I'm not a basketball fan and this only happened because I was just killing time while falling in line for a transcation. I just couldn't take my eyes off everytime the camera focuses on this Turkish player named Hedo Turkoglu.

He always had a good register on screen with his white jersey. Or maybe I'm just biased. Too bad our freeTV has poor CS9 reception.

I have to admit I'm a chink-chaser.

Photos courtesy of orlandosentinel.com

Monday, April 13

The many faces of JC

JC guys are cute.
JC Cuadrado. I discovered his cuteness when he hosted as a Tadjock in Wazzup Wazzup. Wonder where he is now?

JC Tiuseco. My only reason of glueing my eyes on Survivor Ph. IMHO, I think he's not photogenic. NEVER-THE-LESS, he is hot on TV.


JC De Vera. He was cute when he was starting out on "Click". The sawa factor came in later.JC. You know who HE is. Happy Easter!

Saturday, March 28

Pinoy Hunks

I do find Caucasian and Asian guys hot. This is not surprising for a self-declared Pinoy beauty like me. But recently, I just realized that I do like my own kind. Proof of this are these two hunks that have mesmerized me lately. Maybe it's my being makabayan or what but I just find these guys hot!
Doc Ferdz Recio is a hunk veterinarian and host of GMA7's Born to Be Wild. Another reason to love animals!


This guy is the new male host of a local GMA7 program based in Cebu. He is Glenn Anthony Soco and that lucky girl beside him is his girlfriend, former beauty queen Anna Maris Igpit. The pic below I got from his official website about a coffeeshop that he owns. Don't we just love businessmen and their power...
Technically he should not have been included in this group because he's a half-breed. But his Pinoy beauty is lutang naman plus his body is so delectable (yum-yum). So here he is, a rising Kapuso star and object of my lust, Victor Aliwalas.

Friday, August 8

08-08-08

(Trivia: My mother side is part of the Ocho Clan. And our official theme song is guess what... Tayo'y mag OCHO - OCHO!)
Breaking news: Nakita ko si Mico! (So?) Well actually planado talaga yun. Manghihiram este pinahiram ko yung mga review books ko. Pano kasi, di sya nakapasa. Sad. E ako naman, epal sa buhay nya. Kaya ayun, may I offer ako sa kanya. Syempre kinagat naman ni cutie. Wala syang magawa noh! Ang mahal kaya ng libro, yung Gapuz books, at manipis pa!. Halos mabaliw nga ako sa kahahanap nung blue and red. Buti na lang meron pa yung yellow. That yellow book saved me from shame. Hekheks. Panawagan sa mga nakakita sa aking libro. If found, please return to the very beautiful owner. Joke! joke! joke!


Halos nabaliw din ako when I cannot text him. Mico:Wer na u? Pakshet tong Alltxt20! Nagpaload na naman ng 15. Bwiset di rin mkatext! Hayzzzzz, nagcall pa ako. After a few minutes, nabigla na lang ako paglabas. My gosh, hindi man lang ako nakapagblush-on...etchos! At eto ako tulala sa kanyang face na pagkaaaaaaaa-gwapo-gwapo. At biglang dumaan ang kapatid ko che! Ayokong makahalata cya na type ko si Mico. Shet, discreet ako LoLz! Salamat sa aking emotion control...

Actually nagiba ang mga plans ko. 1. Get a pic of him. Andyan kasi si sis, che! 2. Invite to have snacks on a fast food. Mahal! Kuripot me heheh! Tapos baka mya makakita samen, ayoko ng issue!

08-08-08 is indeed a lucky day for me.

Friday, July 11

Dear Charo(t),

Araw iyon matapos ang nakakapagod mga dalawang araw ng pagsusulit para sa mga nurses. Oo nga nakakaubos ng lakas, galing pa ako ng disco bar the night after. Ganunpaman,di ko masyadong inintindi yung hirap ng exam. (Hindi madali yun ah) Mas nag-alala ako ngayong di na magkikita ang aming landas. Ang isang buwa't kalahati mahigit ay natapos na pala. Hindi ko namalayan na ang pantasya ko'y biglang aalis na lang ng ganito. Well, some good things never last. Nag-wawhat ifs na lang ako. Di ko kasi sinabi ang damdamin ko para sa kanya. Subalit alam kong mapupunta lang iyon sa kawalan sapagkat siya ay tuwid. Straight. Kahit medyo kaduda-duda kasi may pagka-metrosekswal.(palaging tumitingin sa salamin, may pagka-maarts, atbp) Di ko yun inintindi sa sobrang pagkahumaling ko sa lalaking ito.
Natatandaan ko noong una kaming nagkita sa hospital. Tingin lang ako ng tingin sa kanya. Hanggang sa sya ay nakapansin. At tumigil ako, at tuningin sa ibang bagay. Pero alam kong alam nya na nakatutok ako sa kanya, nakakahiya nga eh.
Natatandaan ko rin noong inakbayan nya ako. Ginawa na iyon para pagselosin yung isang bading na kasali namin sa review, palaging nang-haharass sa kanya. Kung alam lang niya, kinilig ako kahit halos di ako mapakali. Isa sa mga pinagsishan ko nung panahong iyon ay nung nagreview kami at sa sobrang haba ng oras lampas sa tanghalian at nagutom kami. Hindi na niya matiis. Nakiusap siya na samahan ko sya. Di ko sya sinamahan. Mas inuna ko ang mga pointers ng review. Ewan ko ba kung anong naisip ko't di ko sya dinamayan lubha akong nag-alala sa kanya. Pagkakataon ko na sana iyon. Ma-issue na kung ma-issue ang importante ay maipakita ko man lang sana na ako'y nag-aalala rin sa kanya. Siguro kasi may pagka-anti social ako. Ang sakit nun sa dibdib animo'y inaksak ako ng itak ng sarili kong kamay. (at habang nagtatype ako may pinatugtog na background music "Run to You" by W. Houston...:( sad ) Kaya nga sa panahong ito sisikapin kong bumawi. Kung sa anong paraan, pag-iisipan ko pa.




Dumako na tayo sa araw pagkatapos ng board exam. (Layo na nang nilipad natin..) Bilis talaga ng panahon, nag-iimpake na kami pauwi. Samantalang sya, pupunta sa girlfriend nya. Kahit masakit, tinulungan ko sya kasi nga kaibigan ko sya. Gusto ko lang bumawi. (I don't want to let you go, baby..hehe) At eto na ang pinaka"thrilling" na bahagi ng kwento: Sasabihin ko ba sa kanya ang nararamdaman ko O ipagsasawalang-kibo ko na lang? Hayyss. At napagtanto ko na kahit ano pa ang sabihin ko sa kanya, di parin nya ako papansinin kasi ng a sya ay straight! Kaya ang ginawa ko ay kumuha na lang ako ng litrato nya. Hindi ito biro kasi nanginginig pa ako ng konti nung naki-usap. Nakakahiya kaya!

O sya, eto na yung pic. Pasensya na, di masyadong maganda yung quality tsaka di rin sya photogenic. Basta ang masasabi ko, mas gwapo sya sa personal.







Saturday, May 24

My Crush (updated)


Reviewing for the upcoming board exam makes me so anxious. The pressure is there, especially from my parents. I'm the eldest kasi. But despite those stressors that I have to deal with, there's this one guy that makes my day. My rainbow beneath the stormy clouds.

Nagsimula ang lahat noong ako'y isang hamak na estudyante ng nursing sa isang kilalang unibersidad dito sa amin. At gaya ng ibang mga nursing student, nagduduty ako sa isang ospital na kung saan kami na nga ang nagtatrabaho para sa mga staff, kami pa ang nagbabayad ng mahal. Isang gabi, habang ako'y patapos na sa aking duty, hindi ko inakalang may isang gwapo akong mai-engkwentro. Galing sya sa kabilang skul. (Think Ateneo-La Salle)

I couldn't get my eyes off him. Love at first sight na ba ito? Hehe. Before he starts noticing, I wander far just pretending that I'm looking on other stuff. He's really an eye-candy, I swear. His tisoy look, expressive brown eyes, forget about his rabbit-ish smile but he's cute with it anyway. (Makes me wanna sing Crazy Love by Kim Chiu)