Friday, February 26

Handaan

Kaarawan ni Papa noong a-24. Kumpleto kaming lahat which is good kasi bibihira lang itong mangyari lalo na't apprentice ngayon ang kapatid ko. Naghanda sila ng malaking party. Sinadya yun, ewan ko kay Mama mahilig sya sa ganun.

Syempre pag malaking party, maraming bisita at bwisita. In less tha
n an hour, ang lechon...

...naging skeleton. Marami talaga ang mga nagugutom ngayon. Kaya ngayong eleksyon, choose wisely.

Monday, February 22

Panawagan


Nanawagan po ako sa kung sino man ang nakakita sa aking pusa. Ang pangalan po niya ay Mrew. Kulay orange ang kanyang balahibo na may stripes. Dalawang araw na siyang hindi umuuwi sa amin. Marahil ay hinahanap nya ang mga nawawalang kuting. Kung may alam kayo sa kanyang kinaroroonan, ipagbigay-alam nyo po sa akin ang itext gamit ang no. na nakapost sa aking profile.

Saturday, February 20

Career Move


Title ng Mcdo commercial na ito. Buti na lang pinalitan na yung "Night Out"-yung two girls na nag make-hulog the coins to the Mcdo guy. Hindi ako naaliw duon. Kahit may tisoy guy hindi ako nalibugan.

Samantalang yung video sa taas may humor na, may appeal pa. Bet ko yung two guys. Si Jan Manual, yung lean dati ko nang bet sa Starstruck. Pero yung isang nakavest, yum-yum. Ang cute cute nya(with matching gigil sa upuan)! Weakness ko talaga ang mga chinito. Tapos may dimples pa. Nakakaloka. Ano kayang name nya. Sa mga may alam, help naman so I can see more of him.

At dahil nahuhumaling ako sa kanya, ipopromote ko siya bilang major commercial hottie!

And speaking of career move, baka mag-career move na rin ako. Abang-abang na lang kayo ha.

Friday, February 19

New Resident Cat

This is actually late news. Nakatira na sa amin ang pusang ito a month ago. I call her Mrew because she creates an annoying purr. Pero ang official name nya ay Miming 2010 (para madaling tandaan). Si Miming ay isang pusang ina. Look at her kittens. Cute no? Iba talaga pag laki sa gatas... ng ina.
Sad to say, kinuha ng magaling naming aliping sagigilid ang mga kuting. Para daw makahuli ng daga sa kanilang bahay. Walang natira. Malungkot ako para kay Mrew. Pero life must go on. So andito pa si Mrew sa amin. And I have to take note she's a good hunter. Rats watch out.

*Yung pusa sa aking photo profile ay hindi si Mrew. Hindi ko sya pagmamay-ari. Balita ko patay na raw.

Thursday, February 18

Im back!!!!

not the exact hospital

Kala nyo nawala ako, never as in never will I close this blog. Dalawa lang talaga ang dahilan kung bakit hindi ako makablog. Tamad or walang access sa internet.

Mahigit two weeks din akong nawala. Ganito kasi iyon. Nagvolunteer kasi ako sa isang "controversial but not famous" hospital.
(Malalaman nyo rin kung bakit.) Itago natin ang facility na eto sa pangalang LoL Hospital.

Volunteer man at least ngayon may sweldo na. Pero kulang. Mas mataas pa siguro ang sweldo ng kasambahay ninyo. Wala tayong magagawa. Experience din yun. At least may sahod.

At bakit ko sinabing controversial? Una, may babuyan sa loob ng LoL as in real pigs. Tinaasan nila ang pader kaya hindi obvious na meron. Pangalawa, yung nakalagay sa LoL organizational chart na mga staff nurse eh volunteers pala at yung iba ay ginawang private nurse ng hospital owner sa kaniyang bedridden relative. Buti na lang hindi ako na join sa org chart kasi bago pa lang ako. Pangatlo, hinuhuthutan nila ng kwarta ang Philhealth. Ayokong idetalye na eto basta bukas promise magboblog ako.