Sunday, August 9

Cory Aquino,Bayani Hindi Santo

Hay naku. Sa dinami-dami nating Katoliko sa ating bansa, kakarampot lang ang may malawak na kaalaman sa pananampalatayang ating kinagisnan.

Para sa inyong kaalaman, isa sa mga mahahalagang sangkap upang hiranging banal ang isang tao ay himala.


EDSA? People power? Himalang matuturing? hindi. Kung inyo pong susuriin, sikap-pangkatauhan (people's initiative) po ang nangyari. Ang kampanyang isang milyong lagda ay syang nagtulak sa kanya na maging tinig ng sambayanan. Ibig sa sabihin, walang himala!!! Tao lang ang gumagawa ng himalaaaaa!!!

4 comments:

Turismoboi said...

i want her name in a pezo bill promize!

rudeboy said...

Hindi na kailangang gawing santo pa si Cory. Sapat na ang naging huwaran siya ng simpleng pagkatao. Sa kabila ng kanyang kinagisnang estadong mayaman, at sa kabila ng mga pagkukulang ng kanyang administrasyon, walang kumapit na akusasyon ng pandarambong, pandaraya, o pagkawalan ng delicadeza kay Cory.
Iyan ay dahil naniniwala akong gaya ng karamihan sa ating kababayan, sadyang simple lamang ang mga hangad niya sa buhay. Ang maging disenteng nilalang, na naghahanap-buhay nang marangal, at mabuhay sa piling ng tunay na kalayaan.

Di gaya ng iba diyan.

Ming Meows said...

ya, the 500 bill. i knew it early on.

Raiden Shuriken said...

well, icon sya ng democracy, good governance. siguro tama na yun. pero yung gawin syang santo.. ibang usapan na yan.

para din 'yang pagkilala kay Carlo Caparas bilang artist. pero kilalanin sya bilang National Artist: Aba! Ka-balahuraan na!