Friday, October 23

Reasons Why I Should Remain Single

Nakakainis talaga ang Globe. Ngayon lang nag-online ang internet. Tapos nagkanda-leche leche ang Autoload Max. Nadoble or triple ang nakukuha sa ming load wallet. Lugi na kami.

Anyways since wala akong maisip na ipost, and tutal I'm single and okay..magbibigay ako ng dahilan kung bakit karapat-dapat akong manatili sa aking estado.

1. Financial. Wala kong trabaho. At kung meron man, yung sobra ng sweldo ko ibibigay ko sa pamilya ko dahil hindi biro ang ginastos nila sa pagpapa-aral ko. Yung iba naman sa charity, yung iba...hay naku, wala pa ngang pera isip na kaagad ng gastos. Leche!

2. Spiritual. Sabi nga ni St. Paul, "It is better for a guy not to marry." (Maniwala ako, bading sha---haha joke lang) Sa totoo lang mahirap sa katulad natin ang mag-asawa (ng babae ha). Maraming issues na dapat isettle.

3. Intimacy. I hate holding hands. PDA. Ayoko ng may katabi sa kama. Tinitiis ko nga lang pag katabi ko ang kapatid ko. Naiinitan kasi ako. Tsaka ayoko nang tinatandayan ako. (Pasensya, hindi ko kasi alam ang Tagalog ng tanday. Kandong yata?)

1 comment:

rudeboy said...

Salot nga daw ang GLOBE lately. Ang masasabi ko lang ay "Mweheheheheheheh!" SMART kasi ako. :D

As for being single, maganda ang mga dahilan mo. Kadalasan sakit ng ulo lang ang dulot ng isang relasyon, Mainam na lang na single ka at tahimik at mapayapa ang pamumuhay - walang selos, walang paninibugho, walang iyakan.