Dahil narin sa wala na akong matinong mailathala dito, at dahil sa nag-iisang taon na ang blog ko, siguro nararapat lamang na ibahagi ko ng unti-unti ang tungkol sa aking buhay-buhay. Alam nyo naman siguro na ako'y isang hamak na nars ngunit hindi pa rin magamit ang kurso. Marahil interesado kayo kung ano ang pinagkaka-abalahan ko.
Opo, nagbabantay po ako ng tindahan namin. Hindi po ako tambay subalit marami pong tambay dito. May sentimental na halaga po ang sari-sari store. Ito po ang unang negosyo na pinasukan ni madir. Nagclick namn noong una pero sa kalaunan, humina dahil sa maraming kompetensya. Ewan ko ba, bawat kanto meron. Siguro dahil madali syang pasukin ngunit iilan lang ang nagtagumpay.
Kaya naman wag na kayong magulat kung may pangyayari akong masabi rito habang nagbabantay ako sa tindahan. O sige, babalik muna ako sa trabaho ha.


2 comments:
hahaha i wonder kung anu kaya itey. :-p
Sati kami may tindahan din... tapos may karinderya ito. Madami akong naging kaibigang drivers ng jeep at mga factory workers. So lebre ako madalas sa jeep.
Pero nag sara yung pabrika sa tapat ng bahay namin at humina ang negosyo... kalaunan, nnagsara na kami.
Pagbutihin mo ang pag babantay ng sari-sari store nyo :-D
Post a Comment