Itago na lang natin sya sa pangalang Julius. Isa sya sa dalawang anak ng isang masipag na masipag na mag-asawa. Sa katunayan, hindi na sila nagsisimba tuwing Linggo para lang matutukan ang kanilang negosyong babuyan at sari-sari store. At sa dami ng pera nila, natatakot na silang ma-inside job kaya wala silang katulong. Sila-sila lang. Mula sa pag-aalaga ng baboy hanggang paghahakot ng kung anu-ano. Damay pati ang mga anak.At marahil sa sobrang pagpapagod, naningil ang murang katawan nya. Si Julius na walang kamuwang-muwang ay nagkasakit ng leukemia sa edad na katorse. Minsan naisip ko, mapagbiro ang tadhana. Kung sino pa ang mabait , yung hindi nangungupit, sya pa ang nagdurusa. Malaki ang paghihinagpis ng mga magulang. Hindi ko sila masisi kung ipinasailalim pa sya sa chemotherapy. Sa tingin ko, yun ang mas nagpalugmok pa sa sitwasyon ng bata. Andun na yung kawalan ng ganang kumain, pagsusuka at pag-ihi ng dugo. Damang-dama ko ang bawat kirot sa kanyang katawan.
Hanggang sa noong Sabado ng madaling araw, tinuldukan na ang kanyang matagal-tagal na pagdurusa. Tuluyan na siyang kinuha ng Maykapal...
Sa ngayon nakaburol pa sya sa kanilang bahay. Ipagdasal natin ang kaluluwa nya.


4 comments:
I am happy for Julius for living a full productive life. There is a reason for everything. I bet his purpose is to impart a lesson to his parents that having trust with others is essential, money is not everything and family should be held higher than everything else.
Love live Julius!
I remembered my friend E (Chronicles of E) saying me something like the line you wrote "Kung sino pa ang mabait , yung hindi nangungupit, sya pa ang nagdurusa." Sabi ko nga... may dahilan ang mga bagay bagay. Hindi tayo dapat malungkot.
may isang nagtext sa akin na manood daw ako nito, maganda daw kasi. ang problema, di na ako nanonood ng TV ngayon. hindi sa walang TV pero, parang ganun na rin. haha
nurse ka din pala, kafatid. apir!
oh this is sad...
yeah life is ironic...
I think kaya kinukuha ang mga mababait kasi mabait na sila...Yung mga masasama kaya hindi pa sila kinukuha it's because,hinihintay nya tayo magbago!!!!!!!
Post a Comment