Tuesday, December 29

Binaboy Sa Bagong Taon

Kahapon at nung isang araw, magkasunod na nanganak ang mga inahing baboy namin. Syempre masaya kasi sa papasok na taon, may pangkabuhayan na kami.

Si Inahin A nanganak nung una, 14 biik ang pinanganak. Namatay yung panganay (yung huling pinanganak ayon kay Joey de Leon) dahil akala ni Papa panghuli na yung pangtrese kaya hindi naisalba ang huling baboy. Sayang. Isa pang malungkot na balita, kinabukasan binawian ng buhay ang isang kawawang biik dahil nadaganan sa paa ng inahin. I'm sure kebs lang si mother pig dahil hindi naman sya ang magkakapera. Sa kasalukuyan isang dosenang biik na sila.

Si Inahin B naman na nahuli ng isang araw. Tumulong ako ng saglit kay Papa habang syay nanganganak. At least nagamit ang lisensya ko (Tse!). Nang matapos na ang pagputol ng pusod, pagtanggal ng ipin, at pagpaikli ng buntot ng labindalawa ay napagpasyahan na ni Papa na umuwi. Kinabukasan, nagulat kami nang may isa pa palang biik na lumabas--at buhay. Isa syang miracle biik. Tatawagin ko syang Santino. Hehe.

Welcome to the piggery! Ang wish ko lang sa mga baging panganak, more weight and of course, good health!

Pics, soon to be uploaded.


2 comments:

Raiden Shuriken said...

yay, kababuyan sa bagong taon! wehehehehe! thats good news Ming to start a new year.

cheers!
red

ZaiZai said...

wow congrats at condolence kay mother pig. okay na din ang 12. parang 1 pig for every month of the year hehe. happy new year ming!