Wednesday, December 23

Meet the Relative

May relative na uuwi sa aming bayan. Not surprising diba, magpapasko naman. Pero di ko sya pwedeng i-snob. He is a manager of a big company at itago na lang natin sya sa pangalang El Kuya. Since I'm unemployed pa rin =( , nagka-idea ang magaling kong nanay (he's my 2nd degree cousin yata from mother's side) na magpatulong. So go na kami kahit umaambon at maginaw ang gabi(nagkasore-throat tuloy ako). Kailangan eh.

Bigyan ko kayo ng konting background. Nakapagtapos ng Education course si El Kuya dahil sa pagiging working student. Hindi kasi well-off ang parents nya, I could recall that small wooden house they've inhabited when I was still a kid. Nagsimula sya sa baba (he worked before in Cebu) hanggang sa naabot na nya ang mataas na posisyon (Manila -based) sa isang kompanyang may kinalaman sa books.Take note, sa edad na 30-ish single sya and I've gotta feeling wohooo[---kanta yon che!]that he's PLU (three bars according to my g-dar). But he's not the loud type. Neither is he the trying hard type. I like it. I think LGBT dna is in our blood. I have two lesbian cousins and one gay cousin other than him. Basta I'm so proud of him.

At nang dumating na kami sa isang bahay na nasa lugar ng aking ina, namangha ako. Ang ganda, parang hindi mo ini-expect na may ganito sa isang medyo liblib na barrio. May brownish brickstones ang foundation pillars. May capiz lights ang puno bg tambis sa labas. At nang pinapasok kami, mas lalo akong namangha. Modern
and spacious yet simple ang mga muwebles.

Back to business. So nag-usap (or pinakiusapan) kami of course with my mama kasi siya naman talaga ang may connection. Hindi maiwasang maungkat ang pagiging lisensyado ko at ang hindi ko paggamit sa aking natapos. Nakakahiya per
o at least Kuya El offered me a helping hand and advised me to use it as a last option. He gave us ideas kung paano maging employee sa kumpanya nya. He even asked about my height--patay. Sayang nga lang kasi hindi nya ako pwedeng dalhin sa Manila kasi nepotism is a no-no and obviously masisira sya. Later on, he gave me a calling card(see below)---malaki ang respeto ko sa mga nag-iissue ng calling card which means they are bigtime professionals. How time flew and after a share of laughs and rich conversations, umuwi na kami.


Intentionally distorted to protect his identity.


A few minutes before we left, nagkatitigan kami. No, ako yata ang nagsimula. I'm such a flirt, hehe. I flashed an economic (tipid) smile. Nagpapacute oh! I admit, nakilig ako. In fairness, kahit hindi sya looker, pasado naman. Naks, feeling ako ha, baka taken na sya. Sorry, hindi naman masamang mangarap diba. Im looking forward to see him again, perhaps in his office.

O sya sya, I'll stop daydreamin ang proceed to nightdreamin. Tulog na ako.


2 comments:

Aris said...

Pasingit ng pagbati. Merry Christmas! :)

Ming Meows said...

merry xmas din sayo aris!