Gaya ng sinabi ni Mosang sa commercial, sana makumpleto ang aming pamilya ngayong pasko. Yung isa kong kapatid nagrereview para sa board exam, yung isa nag-aaral. Sure naman na uuwi sila. Yung isa ko lang na kapatid, my only brother ang problema. Apprentice kasi sya sa isang cargo vessel na bumibyahe ng Palawan to Mindanao. Syempre pag binabanggit ang Mindanao, pangamba ang ating naiisip. Last June pa nagsimula syang umangkas at hanggang ngayon hindi pa sya umuuwi. Hindi pa kasi nagdadrydock sa Cebu ang barko. Hanggat bumibyahe pa ang barko, malabo pa syang makauwi sa bahay.
Namimiss ko ang only brother ko. Nagkakaintindihan kasi kami. Parang wala akong matandaan na pinag-awayan namin. Sana makauwi na sya ngayon Pasko. Konti din lang kasi ang dinala nyang damit. Napilitan nga syang bumili doon. Malaking ginhawa talaga pag nakuwi. Ano na kaya ang itsura nya...
Btw, next year uuwi sina lolo, lola at mga kapatid ng aking ama. Magrereunion kasi kasi ang aming father side. Excited ako pero mas angat yung takot ko. Ano kayang isasagot ko sa million-dollar question: May girlfriend ka na ba? Naku, magrerehearse na ako. Sana maging handa na ako sa mga mangyayari. Abangan...


3 comments:
drydock? bakit sira ba at kailangang ayusin at ipagawa ang barko na sinasakyan ng brother mo?
sorry lili, ang alam ko kasi sa dry dock yung magstatambay lang yung barko. now i know.
kasi ming taong dagat din ang bro ko noon. kumusta na ang Bohol? Sino ba ang iboboto mong gobernador? hehehhehe.
Di ba sa Batuan kayo? Nakakahiya mang aminin pero hindi pa ako nagawi diyan. Mga 25 na taon din naman ako dyan bago nangibang bansa.
Post a Comment