Wednesday, November 18

Walang Self-Control

Dumilim ang kalangitan. Umihip ang hangin. Isa na lang ang kulang. Ulan. Maraming ulan. Para sa inyong kaalaman, nag-umpisa na ulit kami sa pagtatanim ng palay. Mahina umano ang ani ng nakaraan. Tanda ko pa nung nagsimula yung pagtatanim may krisis sa tubig. Wala kaming irigasyon kaya sa ulan lang kami umaasa.

Kasalanan ko ito, plano ko kasi na mag-ayuno sa pagjajakol at panunuod ng porn para bumuhos ang ulan. Gaya ng inaasahan, nabigo ako. "Tao lang", yun ang kadalasang idinadahilan. Mahina lang talaga ako. Walang self-control.

Okey lang sana kung ako ang magdusa. Hindi eh. Damay ang kabuhayan, damay din ang iba. Nakita ko yung kulimlim sa may bandang hilaga habang sa lugar naman namin ay maaliwalas. Sabi ko sa sarili ko sinadya ito.

O baka naman gawa-gawa ko lang ang ganitong eksplanasyon. Naghahanap lang ako ng mapagbalingan. Marahil tama si Ate Guy na walang himala.

Ang masasabi ko lang, hindi makakabuti kung ganito palagi ang nararanasan namin. Nagdurusa kami.

8 comments:

rudeboy said...

Ming, walang kinalaman ang pagtetebats mo sa pagbagsak o di-pagbagsak ng ulan. Maliban na lamang kung ikaw si Storm.

But kidding aside, I hope you do get the rainfall that you need.

Ming Meows said...

LoL. awa ng Diyos may ulan naman. mahina lang.

Quentin X said...

You have a serious case of Catholic Guilt. Snap out of it before you loose your marbles completely.

Anonymous said...

hope verything will be fine! -- devon

ZaiZai said...

mag ra-rain dance ako para sa iyo ming..sana nga lang dyan umulan at hindi dito. pero kdding aside, sana maging okay ang lahat for you at sa mga taga dyan.

rik32miles said...

ming,
magbabakasyon ako dyan sa bohol...ikaw tourist guide ko ha. i will txt you pag sa pinas na ko...see you

Ming Meows said...

@rik: sure. ill keep in touch.

@zai: effective ang rain dance. actually bagyo ang dumating.

Raiden Shuriken said...

@ming, aliw naman ako sa konek ng tebats at pag-ulan. may nabasa nga pala ako tungkol sa konek nito pero haller, ancients religious rites pa yun. send ko sa 'yo kung di ko malimutan...

sana makapag-araro na kayo at makapagtanim.

cheers!
red