Tuesday, November 17

Comelec is the New Church

(Babala: Walang personalan, chorvahan lang.)

Usap-usapan ngayon ang pansalamantang (o yes, pansamantala lang) pagbaboo ng ating pangarap na maka-atak sa Kongreso. Dahil daw ito sa takot na baka magsaboy umano tayo ng imoralidad sa mga kabataan na sinasabing pag-asa ng ating bayan.

Gaya ng inaasahan, na-imvierna ang mga kafatid natin. Siga
w nila ay ebidensya. Nasaan daw ang katibayan ng sinasabi nilang imoralidad.

Handa ang taga-Comelec na isiwalat ang kanilang nalalaman. At ipinakita nila ang mga ito.



Mukhang hanggang decoration sa Batasan at pagpaparlor sa mga kongresista lang ang gusto nilang mangyari.

Sa bagay, kahit hindi tayo nakaupo sa kamara, sirang-sira na ang kinabukasan ng ating bayan. Huli na ang ginawa ng Comelec. Nagkalat na ang lagim.

No comments: