Monday, November 2

Stroke

Mainit naming ginunita ang undas. Grabe talaga ang init, nakaka-stroke.

Speaking of stroke, my father is almost a victim of stroke.
2 nights na kasi syang nahihirapang huminga at sumasakit ang tyan, indikasyon daw yun ng stroke. Kaya naman nagpa-admit sya. At nakita dun sa xray na malaki pala ang heart nya. Dahil daw yun sa katagalan ng high blood nya na ininda lang kaya lumala ang kondisyon. Kaya eto sari-sari ang gamot na iniinom nya.
Mahal talaga magkasakit. Imagine mga 15 thou plus ang nagastos namin sa ospital; hindi pa kasali yung gamot namon na 6000 plus yata ang naubos. Buti na lang naigapang namin.

Hindi naman lahat malulungkot na kwento nangyayari
sa pagka-admit nya. Actually masaya din ako dahil may cable sa private room nya. Wala kasing cable eh. Nagkaroon tuloy ako ng chance na makapanood ng Sex and the City. Ang saya, kahit hindi ko sila nasubaybayan sa TV series, nakarelate parin ako. Gusto sana nyang ilipat sa BTV, masyadong girly kasi. Nairaos ko naman, natry ko namang pigilan.

Nice ang story. HIndi bongga ang ending pero happy naman. Happy naman ako dahil at least hindi na stroke si Papa at naagapan ang kanyang high blood. Sa ngayon, kinokontrol na namin ang diet ni Papa, wala nang mamantikain at taba.



3 comments:

rudeboy said...

I hope your father gets better, Ming.

ZaiZai said...

sana umokay na ang papa mo asap. sana din makanuod ka pa ng sex and the city - favorite ko yan, magagandahan ka pag nasubaybayan mo ang story :)

Ming Meows said...

@rudeboy and zai, thanks for the concern. sana nga makapanuod pa ako ng sex and the city.