Friday, November 13

Ikaw Sana


I'm not a telenovela fan at present. Though when I was young, naabutan ko pa ang Mara Clara, Villa Quintana, Marimar (Original)...masyado pa akong bata non para sumubaybay pero kahit papaano naintindihan ko naman.

Dahil sa imbensyong "reality show", nabago na ang hilig ko sa TV programs. Nawalan na ako nang hilig sa drama. Kaya nakapagtataka kung bakit ako naging tagasubaysubay ng "Ikaw Sana".

Sa totoo lang, wala akong hilig sa soaps ng GMA. Pero I've heard nag-iimprove na daw sila.
Jologs. Isang magandang halimbawa nito Ikaw Sana. Para lang magka-idea kayo, magkapatid si Jennylyn,ang bida at Pauleen, kontrabida na pinag-aagawan si Mark Herras. Teka, parang useless yata kasi masyadong obvious sa picture.

Boring talaga ang plot. Yung inaapi-api ang bida is so 90's. Kaya naman pag nakita ko na ang mga api-api scenes sinasabi ko nalang sa sarili ko, "As expected".

Kung nagtataka kayo kung bakit loyal ako sa programang ito, ito'y sa kadahilanang napipilitan lang po ako. GMA Channel 7 lang po at NBN Channel 11 lang po ang kuha ng aming TV sa tindahan. Nag-attempt na si Papa na bumili ng Baron antenna kaya lang hindi successful ang pagkabit. As an adult syempre mahilig tayo sa balita (24 oras) kaya naman hindi maiiwasang mapanood ang lintik na dramang iyan. Effective ang pre-programming strategy ng GMA. Buti na lang may commercials.

6 comments:

ZaiZai said...

pag may chance, naunuod din ako ng ikaw sana kasi crush ko si mark herras!! :)

Ming Meows said...

crush mo pla sya.. sa bagay kahit hindi magaling sa acting, at least ok naman sa looks.

rudeboy said...

Sabi mo mag-comment ako sa Ikaw Sana, kaya heto ako.

And my comment is: no comment.

Hindi kasi ako nanonood ng TV. Eheheheheh.

Ming Meows said...

Hahaha! Very good. Wawa ka naman. TV is is the best thing that happened in my life.

Raiden Shuriken said...

ang storyline ng soaps in both networks mga babaeng nag-aagawan sa isang lalaki: Ikaw Sana (Sofia vs. Eliza), Stairway (Jodi vs Eunice), Darna (Narda va Valentina),Dahil may Isang Ikaw, blah-blah-blah; or, mag-inang naghahanapan. even with Jun Lana or Ricky Lee as Creative Directors in either network, kakasawa na.

why not, isang babae naman vs. isang klosetang bading kahit sub-plot lang para maiba, di ba?

Inaabangan ko na lang lagi kung kelan magta-topless si Mark, si Paulo (Avelino), Aljur or si Dex Quindoza (Tinik sa Dibdib). Wehehehe!

Wala kaming TFC kaya hindi ko alam kung mas matindi ang mga eksenang Piolo-Zanjoe kesa Piolo-KC or Zanjoe-KC.

enjoy the boob...



tube!

Ming Meows said...

LoL @ alimuom