Sa tindahan namin, may isang katangi-tanging feature na iniinda lang sa ibang sari-sari store. Ito ay isang mini side billboard (sorry, inimbento ko lang ang name). May brand po sya. Schick. Remember Andrew Wolfe ad about the razor blade na lumusot sa kabilang pader?
Kung ang mga ga-higanteng billboards pag natutumba ay nakakapatay ng tao, pwes itong aming munting billboard ay hindi naman ganon karahas. Nambubukol lang sya. Sa ulo. Paano kasi mababaw lang ang pagkalagay. Kaya tuloy pag may papaalis sa tindahan na nagmamadali, pang!(parang ganun ang sound effect)... parang natamaan ng suntok ni Pacquiao.
Insulto sya sa akin. Nakakalusot kasi ako sa ilalim. Ang ibig lang sabihin nun ay bansot. Pandaca pygmea. Kamponieta ni Dagul. Ganunpaman everytime na may sumesemplang, hindi ko mapigilang mapangiti at pansamantalang limutin ang mga problema. I can feel the difference...of my height! =D


2 comments:
You're such a schick kitty, Ming.
i would take that as a compliment LoL. napatingin ako tuloy ako sa dictionary haha.
P.S. magkoment ka naman sa Ikaw Sana :)
Post a Comment