
Matagal nang nirereklamo ni lolo ang pagkakaroon ng panuhot dakô na sa Tagalog ay malaking kabag. Nagkakaroon sya ng malamig na pawis. Paano nga naman e lagi syang naka-jacket. Ewan ko ba, siguro sa katandaan nya.(Syanga pala, kaarawan niya mamaya.) Tinangka namin na ipatingin sya sa doctor ngunit ayaw niya dahil baka naman hindi maniwala ang mga doctor sa mga panuhot.
Kaya nagpa-bisaya (albularyo) na lang sya.
Naalala ni Mama tuloy noong nagkasakit ang aking kapatid. Pinagpawisan din sya ng malamig. Sumasakit ang tyan nya. Bumibilis ang tibok ng puso nya. Nang nagpadoctor sya, ulcer ang findings.
Kaya ng inusisa ni mama kung sumasakit ang tyan ni lolo. Sumasakit naman daw. Lalong luminaw ang kanyang hinala na maaaring may ulcer din si lolo.
Ang galing! Hindi ko naisip iyon.


No comments:
Post a Comment