Showing posts with label family. Show all posts
Showing posts with label family. Show all posts

Monday, April 20

NOT a suicide letter

Thursday, April 16

Inang Pisara



Miss ka na namin. Magpagaling ka ha? Sana umuwi ka na. Matagal na rin tayong hindi nagbabate. hehehe.

Wednesday, March 4

Mama Knows Best


Matagal nang nirereklamo ni lolo ang pagkakaroon ng panuhot dakô na sa Tagalog ay malaking kabag. Nagkakaroon sya ng malamig na pawis. Paano nga naman e lagi syang naka-jacket. Ewan ko ba, siguro sa katandaan nya.(Syanga pala, kaarawan niya mamaya.) Tinangka namin na ipatingin sya sa doctor ngunit ayaw niya dahil baka naman hindi maniwala ang mga doctor sa mga panuhot.
Kaya nagpa-bisaya (albularyo) na lang sya.

Naalala ni Mama tuloy noong nagkasakit ang aking kapatid. Pinagpawisan din sya ng malamig. Sumasakit ang tyan nya. Bumibilis ang tibok ng puso nya. Nang nagpadoctor sya, ulcer ang findings.

Kaya ng inusisa ni mama kung sumasakit ang tyan ni lolo. Sumasakit naman daw. Lalong luminaw ang kanyang hinala na maaaring may ulcer din si lolo.

Ang galing! Hindi ko naisip iyon.

Thursday, September 25

Pahabol Lang

I know medyo huli na 'to. Ihahabol ko lang, tutal napag-alaman ko kasi na National Family Week pala ngayon.

Siguro napansin nyo na ang komersyal na to.



Last week kasi, napanuod to ni Mama. Hindi nya masyadong naintindihan ang komersyal, so kinausap nya ako.

Mama: Bakit kailangang sabay-sabay ng kain sa September 22?
Ming: Family Day kasi.
Mama: A ganun ba.
Ming: Bakit, ano sa tingin mo?
Mama: 'Kala ko kasi birthday ni Sharon...