
Tatakbo ulit si tatay. Opo dati na syang barangay kapitan sa mahigit na isang dekada. Naputol lamang ang kanyang paghahari sa trono last 2007 nang tinalo sya ng isang mas batang kandidato na nasa Canada na ngayon. Kaya ngayon, strategize kung strategize. Yung mga "pwersa" na nasa likod ng pagkapanalo ng kanyang dating karibal ay kakampi na niya.
Akala ko ay wala nang kokontra sa kanyang muling pagbabalik. Meron pa pala. Isang taong may balak talaga na tumakbo dahil PTA president siya ng skul na sakop ng barrio namin. Nag-expose sya ng mga pangungurakot umano ng isang titser. Napahiya ang titser. Kung libre lang ang pagsampa ng libel ginawa na nya. Tingin ni PTA president ay bumango ang kanyang pangalan.
Ang napahiyang titser ay dating kalaban namin sa pulitika noong 2007. At dahil tatakbo si Tatay, automatik na kami ay magkakampi na. Ang kapalaran nga naman. Mas nalumpo pa ang karibal ni tatay sa pwesto nang ang lahat ng incumbent kagawad ay nasa amin. Pati yung mga independent dati o yung walang sinusuportahang kandidatong kapitan.
Ang kinakainis ko lang ay ang mga tao sa paligid-ligid na oportunista. Yung mga nagsasabing wag maging kampante si Tatay dahil natalo na siya dati. Sa tingin ko naman ay sinsero ang iba. Ngunit hindi ko talaga maiwasang magduda. Baka sinasabi lang ito para kwartahan si tatay.
Totoo man o hindi ang paratang ko, isa lang ang masasabi kong totoo. Mas magastos na ngayong tumakbo sa pulitika. Ewan ko ba, sana prinsipyo na lang sa halip na pera ang paglabanan. Harinawa'y dumating ang panahon na maghari ang tunay na demokrasya. Pak!


4 comments:
sex tayo lol!
LoL ka din! saan naman nagmula ang idea na yan...
^Politically-motivated yan, Ming. Nukaba, para kang 'di Kabesa de Barangayic Daughter.
Good luck kay kapitan.
Post a Comment