
Yan si Papa. Gustong bumili ng cellphone dahil marami daw kokontak sa kanya ngayon election season. May extra naman kami na Nokia 1209. Ayaw, hindi daw familiar sa keys. Sinabi kong pag-aralan na lang; baka daw abutin ng siyam siyam. Ayaw namang ipalit yung Nokia 3310 namin na pang load retailer kasi baka mahirapan daw siya kung may magpapaload. Binalaan ko na siya na baka sira ang mabili niya dahil wala namang lehitimong tindahang nagbebenta ng 3310. Tigas ulo talaga.
Bumili ng cellphone. Pink ang housing. Wala daw ibang supply sa store na palochina. Pagkalipas ng ilang oras, nawala ang signal. Sinabihan kong itago ang resibo para mapalitan ang unit. Pinalipas ang ilang araw, hinahanap ko ang resibo. Nawala. Hindi ko naman obligasyon na itago ang resibo kasi hindi ko pag-aari yun at isa pa, hindi ko feel. Alam ko na waley ang mangyayaring pagrereklamo sa cellshop dahil walang matibay na ebidensya. At hindi nga ako binigo ng aking common sense. Ang masaklap lang, may signal na ang cellphone pagdating sa shop. Intriguing.
At yan ang nangyayari sa taong mapagpilit. Ipapaayos daw niya yung unit.


2 comments:
baka naman may sarili silang cellsite sa binilan ng phone, kaya may signal hehe. minsan talaga tigas ng ulo ng mga tatay no?
hindi naman minsan. palagi.
Post a Comment