Monday, September 7

Top Ten Mabentang Items sa Tindahan

In random order.


Snow Bear Candy
3 for Php 2.00

Mabenta kasi nakasanayan na ng mga tao. Kadalasang binibili ng mga nagyoyosi kasi pampatanggal daw ng amoy.

Pentagon cigarettes
Php 0.50 per stick/ Php per pack


Imitation ng sikat pero mas mahal na Philip Morris. Sa sobrang benta nya, pwede kaming makaubos ng 1 box nito sa isang araw.

Nestea Litro Pack
Php 10.00

Influence siguro ng media or siguro trend na kasi mas healthier daw than softdrinks.


Milo 20 gram sachet
Php 5.oo per pack
Bagay sa mga nagtitipid kasi pag malaki daw na pack, madaling maubos.

Its a toss between
Litson Baka and Lumpia
Php 1.00

Maraming batang estudyante ang dumaraaan sa amin. Pero hindi yata malaki ang kita namin dito. 4 out of 20 pesos lang ang sa amin per bag.

Load (All Networks)
Price Varies
No need to explain. From left to right, the cellphones are for Smart/TNT, Globe/TM, and Sun.

Nata De Coco (Ice Juice)
Php 1.00

Tinatamad na kaming gumawa ng ice candy.

Energen Cereal Drink
Php 5.00 per pack
Maliit lang tubo namin dyan, mga 90 centavos. Pero marami talaga bumibili at palagian ang order namin kasi akala ni Mama hindi ganito kabilis ang pagbenta.

Cobra Energy Drink
Php 12.00 per bottle
Influence ng media siguro. In fairness, mas mabenta sa ibang murang kakompetensya kahit mas mahal ng 2 pesos. Kaya lang, no-no for diabetics.

Bearbrand 80gram sachet
Php 25.00 per pack
Ayaw namin sa pang-isang baso kasi konti lang ang kita.


So there you go. This is just my observation. I might be wrong here. Sa dami ba naman ng mga binebenta namin at saka wala kaming accounting system, mahirap talaga ma-monitor kung alin ang mas mabenta. At tsaka, may iba pang items na hindi ko naisali kasi nga top ten ito. Wag na angal okey :)


9 comments:

rudeboy said...

Naaaliw naman ako sa breakdown mo, Ming. Kailangan talaga ma-identify ang mga box-office items para alam natin saan magco concentrate ng efforts.

ZaiZai said...

may tindahan din kami at halos pareho tayo ng top seller. wala nga lang kami nung pentagon. isa pang mabenta sa amin ang yogurt sticks..piso lang! :)

Anonymous said...

you know, you should start an accounting system for the tindahan. :)

Ming Meows said...

@rudeboy, kasali na yann sa SOTA ko.

intersting @zai yung yogurt sticks. ano kayang itsura..

@john, my parents would think of it as a waste of money or effort to think that it's a small business

Diosa said...

naku i like sbowbear, parang candy ng mga pulis maonders!

may tinda ba kayong iced gem, miss ko na yun eh! pabili nga!

Ming Meows said...

anung itsura ng iced gem @diosa?

Aris said...

type ko ang snow bear at nata de coco. pabili nga po! :)

ZaiZai said...

picture-an ko minsan ang yogurt sticks para makita mo ming

Elyong said...

Ang saya naman... hahaha