Tuesday, September 15

Ten HINDI Mabentang Items sa Tindahan

Actually maraming items sa tindahan ang mahirap ibenta. Hindi ko lang kung alin talaga ang mga pinakamahina sa bentahan kasi nga wala kaming accounting system (hey narnian).
Pinakabago sa mga items na ito ang Strepsils. Ewan ko kay Mama. Masyadong mahal kaya ang Php38.00. Kaya nga nung may nag-endorse samen na mas murang package ng strepsils tinanggihan na namin. Hindi kasi pwedeng ipagpalit ang malalaki naming version dahil aantayin pa daw namin na maging old stock. Hay naku.


Ito namang mga thinner. Mabili lang pag piyesta. Natural, pag gustong maging bago ang itsura ng bahay eh di pinturahan. Dalawang uri pala ito--paint at lacquer. Yung lacquer, ayon kay Papa para sa mga makikinis na surface. Php 38 yung paint. Ewan ko sa isa.


Sayang talaga itong Quickchow. Marami-rami din silang nagsisiksikan sa netbag. Kulang lang siguro sa promotion. O baka hindi lang napansin kasi mura naman ang price--Php6.50 ata. Mas mura sa Lucky Me na mas mabenta by landslide.


Mabenta naman sana ang mga bumbilya kaso lang andami ng stock. Iba-iba kasi ang watts lalo na sa mga incandescent bulbs. Ang nakikita ko ring dahilan kung bakit hindi maubos ubos ang tinda kasi kapag may nasirang bulb, walang refund---replacement lang.


Itong mga nakabalandrang inumin na ito, pakana ni Papa eh. Mga jologs kasi karamihan ng mga lasenggero dito kaya kadalasang binibili lang-Tanduay, Green Perico, at Kulafu.


Katabi kasi kami ng isang ricemill kaya ang sila lang ang nakakaubos ng mga gear oils. Maliban lang siguro sa 2T na mga motorista ang nakakaubos kaya lang patingi-tingi. At least, malaki naman ang tubo basta lang pakunti-kunti lang ang serving. Basta negosyante ka, bawal ang maging dehado.
Ang ayaw ko kay mama, bumibili sya ng maramihan. Tulad na lang ng dishwashing sponge, Kahit may apat pang natira, bibili na naman ng bagong set. Hindi siguro nya namalayan na matagal-tagal din ang buhay ng isang sponge-kahit Php 5.00 pa yan.


Eto namang katabing straw na pantali. Most people kasi mahilig lang manghingi ng libre. Marami kasi kaming used straw gawa nang pag nagdeliver na ng grocery items, iniiwan na samin ang karton at straw. Tingnan mo na lang pic sa baba, nagkalat ang straw.


Last but not the least, itong Mountain Dew. Ewan ko ba, maganda naman ang commercial nito. Kulang lang siguro sa endorsement. In general naman, hindi talaga masyadong mabenta ang mga Pepsi products.

Actually, marami pa sana akong gustong idagdag (tsinelas, toothbrush, etc.) Eto lang ang nakayanan ko.

4 comments:

Anonymous said...

hahaha, kuha ka lang ng accounting notebook. :)

ZaiZai said...

hehe natuwa naman ako. may thinner at bumbilya kayo na tinda. sayang nga pag di mabenta, nastock lang din ung puhunan nyo

Mac Callister said...

haha andami nga niyan a.dati may sari sari store din kami kaso nalugi sinara nalang namin!ang bagal ng kita jan.

Elyong said...

Sayang ang space ng mga non-moving products... hehehe... at ang capital din sayang kasi di kumikita.