Friday, July 3

Tiwala


Hindi ko ma-imagine ang mundong nawalan ng tiwala. Anong klaseng buhay yun? Lahat ng pakikitungo natin sa isa't isa- pamilya, kaibigan, kapitbahay, kakilala, kahit sino, kahit nga Dyos---kailangan ng tiwala. Natural lang siguro yun. Hindi naman kasi normal na palagi nalang mapraning.

Noong Lunes, may umutang sa aming tindahan. Si Nang(Manang) Aning. Matagal ko na syang kilala noon pang bata ako pero hindi kami close. Kumbaga familiar lang ako sa mukha niya. Paano kasi tumira sya ng matagal sa Tagbilaran. At dahil hindi na makapagtrabaho doon dulot ng katandaan(nagbabaston na nga kung maglakad), nakitira ang mag-asawa sa kanilang anak dito. Hindi ko talaga kagustuhan na magpautang. Tandang-tanda ko pa ang bilin ni Mama na huwag magpapautang ng basta-basta. Kaya naman sinermonan ko talaga siya ng todo-todo. Kasi naman hindi ko macontact si Mama nung oras na yun. Kaya ayun, bumigay na lang ako. Pina-utang ko na lang.

Medyo napanatag ako ng kinabukasan ay nagbayad kaagad siya. Pero umutang uli sya. Pinagbigyan ko tutal tumupad naman sya sa usapan. Sabi daw nya Biyernes babayaran. May kutob na ako noon na baka hindi sya tumupad. Paano kasi Biyernes na babayaran. Isa pa, tumaas ang halaga ng kanyang inutang. Ang dating kalahating kilo ng bigas naging isa. Kaduda-duda talaga. Pero hindi ko na yun iniisip(parang sa padyak lang hehehehe).

At ayun na nga. Dumating na ang Biyernes. Wala, ni espirito niya. Masakit. Sinabi ko kina Mama at Papa. Nagalit sila lalo na si Papa. Mas lalong sumakit.

Ayoko nang magtanim ng galit kay Nang Aning. Mas lalo lang sasakit ang loob ko. Ililift-up ko na lang kay Lord.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayoko sa tindahan.

Lesson: Kailangan humingi palagi ng paalam kay Mama kahit gaano kaliit ang utang. Ok lang matagalan sa pagkontak tutal sila naman ang nangutang.

3 comments:

ZaiZai said...

paging Nang Aning, mag bayad naman kayo. nagtiwala sa inyo si ming. sana mag bayad naman sya.

Ming Meows said...

sana. kung hundi, dadanak ng dugo. etchos!

[chocoley] said...

haha, panalo sa name meowwww xD