Tutal wala naman akong masyadong iniisip ngayon, isusulat ko na lang dito ang aking routine sa umaga. Alam nyo kasi, kung kayo’y suki ng aking blog, batid nyo na ako’y isang casual nurse sa isang bayan dito sa Bohol. At dahil contractual, hindi permanente ang aking trabaho. Maaari akong matanggal at eto na ang nangyari. Balik-tambay ang inyong lingkod na nagtitindang muli sa aming munting tindahan.
Bago mawala sa aking pagsisiwalat ukol sa aking routine ay eto na isusulat ko na.
Kadalasan mga 5:30 to 6 ng umaga ako nagigising. Nag-iinit ako ng tubig para magtimpla ng kape na 3 in 1 pero
manually ko yun ginagawa. Ibig kong sabihin ay hindi yung 3 in 1 sachet ang aking ginagamit. At syempre may kakambal yun na tinapay. Sabi nga Mama, para daw akong Amerikano dahil sa kahiligan ko sa tinapay. Pagkatapos, tambay na tindahan. Syempre uuwi ako sa bahay para maligo ano. Araw-araw, hindi ko pinalalampas na manood ng TV show na
Araguy at Family Feud.
Siguro familiar kayo sa Bitoy’s Funniest Videos. Parang ganito rin ang Araguy.

Ang mga hosts lang ay Bisaya so Bisaya rin ang dubbing. Minsan, nakakatawa naman sila. Ewan ko ba, mababaw lang talaga ang kaligayahan ko. Eto ang link sa youtube bilang sample.
Eto namang Family Feud ay educational kaya mahilig akong manuod. Minsan nakakatawa din lalo na ngayon na naglalagay na sila ng mga controversial at may pagka-bastos na polls at answers. Pati facebook hindi nakaligtas sa kahiligan ko sa FF. Time-killer talaga ang paglalaro ko dito sa fb.

After ng FF, nanunuod ako ng Kitchen Superstars pero pag may chance na makapanuod ako ng Showtime, yun ang tinatanaw ko kasi may aliw. Problema lang kasi sa TV namin, malinaw na malinaw ang GMA7 at yung ABS naman ay mahina ang reception.
O sya sige matutulog na ako. Umaandar kasi ang sorethroat pag matagal akong makatulog. Post ko lang to once magka-online.


1 comment:
may sore throat ka pa din ming? ako gusto ko din ang family feud! at mahilig din ako sa tinapay lol :)
Post a Comment