"Malamig ang simoy ng hangin..."
Oo naman oh, syempre December. Excited talaga ako na pumunta sa simbahan. Ano kaya ang itsura? Bongga kaya? Nagmomorning sickness pa naman ako. Ewan ko ba't hindi maalis-alis ang feeling na magsusuka lalo na't makadampi ng malamig na hangin sa madaling-araw.
Excited din akong pumunta dahil kada unang araw ng syam na nobena ay sponsor ang mga youth groups. Ako nama'y nagfefeeling kabataan kaya gows ako. Titingnan ko lang kung may pakulo ang aking mga fellow bagets.At nang ako'y makapunta, ako'y nadismaya.
Sa plaza pa lang, konti na ang mga lights. Tipid siguro sa kuryente. Sa simbahan din, krisis ang decorations. Sa attendance din ng mga tao, nadisappoint ako. Dati siksikan, halos di ako makahinga sa dumidikit na bad breath---echos lang. Hindi na kasi napupuno ang mga extra benches sa gilid. Walang cuties--another echos rin, hindi naman yun ang pakay hehe. Marahil sa tinatamad na ang mga tao, or sa migration kasi hindi naman mayaman ang aming lugar. At ang inabangan ko na youth groups ay parang wala namang nangyari. Ang nangyari lang ay caroling ng choir at yung mga nagsisimba daw ay maghuhulog ng pera para panggawa ng bagong bintana. Kelangan talaga ang pera ngayon.
At ngayon na ako'y nagsulat sa 2nd day, hindi ako sa nagsimba ngayon kahit nagising ako sa takdang oras (mejo na-guilty ako). Tinatamad kasi ako. At nakumpleto ko na rin last year ang simbang gabi. (Last year kaya yun? Sori, makalimutin hehe) And regarding sa mga gustong makumpleto ang nobena, eto ang masasabi ko: Ok lang naman humiling pero hindi dapat ito ang maging prayoridad sa ating pagsimba. Mas unahin natin ang paghahanda sa kaarawan ni Papa Jesus. Yun Lang!


1 comment:
ak din. hindi ako makakain ng breakfast pag umagang umaga. nasusuka rin ako. saka tama ka, nababawasan na ang faith ng mga tao kay God. Parang pababa na ng pababa ang ranking ng faith sa priority lists ng mga tao.
Post a Comment