Tuesday, December 21

Temptation of Wife

Lately ko lang sinusundan ang dramang ito every morning sa channel 7. Sa Maynila kasi, afternoon drama ito pero dahil may regional news dito sa hapon, nilipat nila sa umaga. Although hindi ko sya napanuod sa simula, nasundan ko naman ang istorya.

Ito ang kanyang opening billboard.



Bale ito ang synopsis. Si Marcel at Angeline ang original mag-asawa. Si Heidi ang kerida na bestfriend ni Angeline. Plano ng lalake at ng kabit na lunurin si Angeline. Kala nila tsugi na siya, hindi nila alam naligtas si Angeline. At ito ang simula ng kanyang paghihinganti. Revenge. That's why I like this show. Bibihira lang ako maka-appreciate ng Korean drama. This is second to Memories in Bali. Nagtataka lang ako kung bakit yun ang title. Dapat Temptation of Husband kasi si Marcel ang tinukso kaya nangaliwa.

Buti na lang at nandun na ako sa gantihan phase. Excited na ako kung ano pang gagawin ng bida. At excited din ako tuwing nakikita si Nigel.



Hayyyy Nigel, ang cute nya talaga. He reminds me of Hayden Kho sans the scandal. Isa pa syang rason kung bakit ako nahohook.

And speaking of gwapo, na-realize ko na ang gwapo pala ng team Azkals!

4 comments:

Raiden Shuriken said...

naman: Phil Younghusband siempre naman!

The Princess Boy said...

ang gugwapo nga nila. lalo na yung naka upo sa sahig sa piktyur. parang mang tomas. sarsa pa lang, ulam na! hahaha!

Ming Meows said...

sino? yung parang nakapose ala-jake cuenca? LoLz

ZaiZai said...

merry christmas ming! ibo-box ko pa ba ang mga azkals? sila gift ko sayo e :)