
Historical it is. "Shading-shading" is really easy. Kaya nga alas kwatro na ako pumunta sa presinto para iwas siksikan. Marami kasing curious (read: ignorante) sa automated system.
Kahit na malakas si Noynoy, Gibo pa rin ang binoto ko. Tanggap ko na talo na ang manok ko. Sana lang panindigan no Noynoy ang policy nya on family planning. Sa vice president, Bayani ang pinili ko. Kung sino man kay Roxas or Binay, gawin na lang ang trabaho nila at wag maging epal. Sa mga senador, si Recto lang ang binoto ko. Maraming ayaw sa evat ngunit hindi nila naintindihan kung ano ang kahalagahan nito para maiwasan ang fiscal crisis. Sa governor, vice, and board members ay wala na akong paki-alam kaya hindi ko na na-ishade. Sa local candidates, sinunod ko na lang si padir kasi may binigyan. Mukhang pera ang mga tao dito sa aming bayan sa Bohol.
Im so proud to shade Ang Ladlad. Kaya lang nahiya ako na ikumbinse sa pamilya ko ang binoto ko. Hindi pa talaga ako handa na magfully ladlad. Pinakiusap kasi ni padir na i-assist ang dati naming houseboy. At naishade ko nga nang buong buo sa ikalawang beses ang Ladlad. Im so happy. I even texted my fubu contacts to campaign. Thats how I badly want Ladlad to win.
Badawei, pinunit daw ang mga extra sample ballot. I know they're trying to make iwas daya but I hope theyre able to recycle papers for the love of environment.


No comments:
Post a Comment