Tuesday, April 5

Last Trip

Riding the bus has never been the same. Pabalik na ako ng Hagna (lugar na trinatrabahuan ko) nang hapon na yun. 3:45 pm, maaga pa para maghintay ng bus na daraan sabi ko sa sarili. Kaya walang paalam akong pumunta (meaning hindi alam ng parents) sa kaibigan ko para magpraktis sa banda. Hindi ko namalayang 5:00 na pala. Sa amin, yan ang time to beat kung gusto mong sure makakasakay ng bus. Although may 5:30 pm na bus, paiba-iba kasi dito sa bukid. Pag hindi peak day or season tulad ngayong bakasyon, dadaan ang bus nang maaga. 5:10pm na nang maghintay ako. Hindi ko namalayan ang oras. Matagal ang oras ng paghihintay, sabi ko sa sarili ko "Patay", pag hindi ako makakasakay ng bus, pagagalitan ako ni mama. Lalo na't walang alam ang parents sa nangyayari. Kitang kita ako ng mga kapitbahay, nakakahiya. Baka isumbong ako. Nakakahiya talaga. Muntik ko nang maisipang mag-arkila ng motor na alam kong sobrang mahal. Buti na lang nakasakay ako.

Ang swerteng pagsakay ang naging malas. Nang makatawid na sa kabilang bayan ang bus, nagka-aberya. Mag-aalas syete na nang maayos ang sira. Mas lalo akong kinabahan dahil baka hindi na ako makasakay sa connecting bus ride papuntang Hagna. Kaya ako lang sa akin kahit na nahihilo na ako sa bilis ng takbo ng bus kahit na pakurba pa ba ang daan. Grabe talaga, adventure kung adventure.

Hanggang sa maabot na namin ang lugar na kung saan ako'y maghihintay para sa connecting ride na bus. Ako, isang babae at isang pamilya ang nag-aantay ng connecting ride na bus. Nakasakay ang babae sa isang pampasaherong van isa nalang ang bakante. Napaka-ungentleman ko naman siguro kung uunahan ko pa. Naiwan na din ako ng isang pamilya na nagkataong dati kong college instructor kasi may munting sasakyan na aabot sa kanilang bayan at hindi aabot sa pupuntahan ko. At ako lang ang natira. Ilang minuto ang lumipas, may bus na din.

Bahala na kung nakatayo, at least nakasakay ako. itutuloy.....

3 comments:

ZaiZai said...

anu na nangyari ming, nabitin naman ako. ang hassle pala, may schedule lang mga bus.

buendiaboy said...

nakasakay ka ba?

Ming Meows said...

nakasakay naman.