Sunday, February 20

Speaking Of



Waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!

Tagal ko na namang hindi nagpost. Buti na lang
walang penalty, deduction or anumang konsekwensya sa matagal na paglagay ng entry. And speaking of matagal, ang tagal ng unang sweldo k
o as a casual nurse. Kung naipon yun sa bangko baka tumubo na yun hehe.

At habang ako'y naghihintay sa aking buwanang
dalaw a.k.a. sweldo, nililibang ko lang ang sarili ko sa mga poging tao na nasa aking paligid. Ag
ain and again, sasabihin ko na dito sa bayan ito p
inakamalaki ang concentration ng mga pogi. Based on experience lang po yan ha. Kaya nga hindi naramdaman masyado ang Valentines dahil nadivert ang aking attention sa mga beautiful creatures na nakapalibot. Eto sample:

Yung picture nasa taas, nakaw na naman. Student nurse yan dito sa hospital. Mas gwapo sya sa personal; mas maputi at makinis. Bago kong crush.

Speaking of divert, i-didivert ko muna ang to
pic. Ang malas ko talaga sa application sa DOLE. Yun bang programa ng gobyerno na nagbibigay ng trabaho sa mga nars-tambay. Ewan ko ba, 3 beses na akong nag-try. Wa epek pa rin. Sayang kasi 1 year na sure paid ang future nila. E ako, hindi pa sigurado kung marerenew ang contract ko. 2 months lang kasi ang contract ko as a province paid casual nurse. Bitin no? Nakasalalay ang aking kapalaran sa aking backer.
Well, that's life.

Speaking of DOLE, nakita ko ang matagal ko nang crush. Kung sino yun, magresearch kayo. Basta ang clue ko, basahin nyo mga first posts ko, as in yung mga unang-una. Na-guilty ako kasi hindi ko sya pinansin. Ang bad ko. Buti na lang hindi sya nakapagbitiw ng linyang: "Kung hindi mo ako rerespetuhin bilang crush mo, sana respetuhin mo naman ako bilang tao!" O diba baduy.

Speaking of baduy, nagiging baduy ang aking post. I have to disappear. Tsuk!




1 comment:

buendiaboy said...

welcome back!!!may problem yung connection ko kaya di ko makita yung mga pics sa entry mo