Monday, November 15

Conference

Kagagaling ko lang sa isang provincial conference ng mga singles sa isang coastal town na 1.5 hrs ang layo sa aming bayan. Mabuti na lang at may ganito last weekend dahil ayokong ma-excite sa laban ni Pacquiao lalo na't hindi ako mahilig sa boxing as expected at alam kong mananalo si Pacquiao. At least nakita ko ang delayed telecast sa GMA at in fairness hindi na mahaba ang tv ad sa main fight. But still...I'm not interested.

Going back to the conference (nawala tuloy ako),
yun na nga gusto kong mag-enjoy yaman lang at ako'y single. Sori walang pogi dito.


Isang malaking etchos!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!



Pakitingnan ang pogi na nasa pic.


"...I wanna be in heaven with you..."
(Special thanks to facebook. Wala kasi akong dalang cam.)


Ang theme ng aming conference ay "abundant love". At masasabi kong abundant ang love ni Lord. Binigyan nya ako ng bagong kakikiligan. Itago na lang natin sya sa pangalang Jun. Si Jun ay gwapo. Gwapo. Gwapo. Ahihihih. Pasensya nya, paminsan-minsan lang kasi etoh. Dark skinned si Jun, medyo matangos ang ilong at may chinito charm. Mohawk ang buhok with matching earring on the left (bad boy image ang project teh!). May parang fangs sya sa ngipin which is a plus for me dahil mahilig ako sa may konting deperensya sa teeth. The only pintas is his height coz he's like around 5 feet to 5'2". Pero wala namang kasi sa akin yun dahil ako naman ay 5'3". So bagay kami. xD

Bukod sa taglay nyang mapang-akit na mukha, si Jun ay talentado din. Nung talent night sa conference, nagpaunlak sya na mag solo with matching acoustic guitar. Hindi ko man familiar ang kinanta nya ngunit na feel ko na parang para sa akin ang kanta (sabay batok sa sarili). I was so kilig deep down inside. Tinatago ko lang kasi baka maamoy ng kasama ko. Buti nalang at hindi nya ako tinitigan whike he was singing at baka ma-possess ako gaya ng iilang girls na sinaniban during the praisefest and conference talks.

Dahil konti lang naman kami sa na nakaattend dun (around 120+ or less), hindi maiiwasang magkasalubong kami ng tingin. Asus, sinadya ko naman yun. Kaya naman pag tumitingin sya sa akin parang acting neutal lang ako or iniiwasan ko na lang ng tingin. Kinakabahan nga ako at baka makahalata sya. Alam nyo na.

So ayun, umuwi ako with a big smile on my face. Kahit hindi ko masabi sa kanya na "I love you bro! :)", sapat na sa akin na binigyan ako ng blessings ni Lord at kasali na sya dun.

10 comments:

rudeboy said...

Hm.

Hanep sa bedroom eyes.

Herbs D. said...

So....when are u going to see him again :)

Ming Meows said...

@rudeboy: Tama!

Herbs, that would be a difficult question. probably next conference which is next year :(

Anonymous said...

aha brother nagulat ako at naintriga sa blog mo ng mabsa ko ang abundant love at ang line ng song napagtanto ko na SFC ka God bless us bro

Ming Meows said...

God bless you din bro. shhhh atin-atin lang to ha. hehehe.

ZaiZai said...

di man lang kinuha number mo ming? e di sana next year cfc na aattendan nyo :)

Ming Meows said...

@zai discreet mode kaya ako during the conference. mahirap na. cfc ka jan, alam mo naman ang posisyon nila about homosexuality.

ZaiZai said...

haha charing lang! alam na alam ko yan, cfc ang parents ko dati :)

Ming Meows said...

@zai so hindi na sila active sa cfc?

ZaiZai said...

hindi na e, matagal na din..