Isa lang ang ibig sabihin nito. Napansin ko lang na pagkatapos ng piyesta, konti lang ang pumapasok na piso sa aming sisidlan.
Tingin ko, kaya dumalang ang piso kasi sa ibang lugar napupunta ang mga piso. Sa simbahan, sa mg perya, sa mga carollers na kinaiinisan ko dahil kahit hindi pasko ay rumaraket sila. Nangunguha pa ng ulam sa mga bahay-bahay.
Marahil din ay nang matapos ng panahon ng paggasta, kelangan na sigurong magtipid ng mga tao. Malalaking halaga na ang binabayad sa amin para yung papiso-pisong sukli ay mahuhulog nila sa piggy bank. I don't know kung totoo ito pero ang alam ko ay kelangan ko nang maghanap ng paraan para makakuha ng piso.


2 comments:
hmmm... konti nga ang piso, pero madaming 5pesos at 10pesos akong nakita.
ok hehe!
Post a Comment